Siya ay isang politiko at kasalukuyang senador sa ating
bansa. Siya ang Panganay na anak ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand
Marcos na nagsilbing pangulo noong 1965-1986.
Si Imee ay nagsilbi ng tatlong termino bilang gobernador ng
Ilocos Norte mula 2010 hanggang 2019 at bilang Kinatawan ng ika-2 distrito ng
Ilocos Norte ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1998 hanggang
2007.
Siya ay dating kabilang sa partidong Kilusang Bagong Lipunan o KBL na parehong partidong sumuporta sa kanyang amang si Ferdinand Marcos.
Kalaunan ay sumali siya sa alyanasa ng Partidong
Nacionalista ni Manny Villar bilang suporta sa kanyang inang si Imelda Marcos
at kapatid na si Bongbong Marcos.
Si Tommy Manotoc ang dating asawa ni Imee na ngayon ay
magkahiwalay na. Sa kanilang pagsasama ay nagkaroon sila ng tatlong anak.
Narito’t kilalanin natin sila.
1. Borgy Manotoc
Borgy Manotoc
Namumuhay si Borgy ng naaayon sa gusto niyang buhay.
Bagaman siya ay isa sa mga apo ng dating presidente ng bansa at anak ng
kasalukuyang senador ay malayo naman para kay Borgy ang buhay politika. Sa ilang
interview sa kanyang inang si Imee ay hands off anya siya pagdating sa buhay
pag-ibig at political plan ng kanyang anak kung naisin man nito.
Naibahagi pa ng kanyang ina na kaya’t hindi anya madalas
makita ang anak sa mga interviews ay dahil sa bulol mag Tagalog ang kanyang
anak.
Ngunit kung pag-uusapan ay ang negosyo ay totoong ito ang
kanyang gusto.
Isa sa kanyang negosyo ay ang Liberate, isa sa mga
celebrity Scents Collection ng Bench.
Isa ring aktor si Borgy. Lumabas siya sa mga
pelikulang Male Confessions, isang
dokomentaryo.
2. Matthew Manotoc
Si Matthew naman ay ang anak ni Imee na sumunod sa yapak ng kanyang ina bilang isang politiko. SIya ay ang Gobernador ng Iloco Norte na nahalal noong 2019. Dati rin siyang naging Myembro ng Ilocos Norte Provincial Board sa ikalawang distrito mula 2016 hanggang 2019.
Naging chairman rin siya ng National Movement of Young
Legislators sa Ilocos Norte Chapter.
Si Matthew ay nasaw 32 raing gulang na sa kasalukuyan. Isinilang
siya noong December 9, 1988. Mahilid si Matthew sa pagbabasketball at pag
gogolf. Siya ay datiring basketball coach ng International School sa Manila at
naging co founder ng Espiritu Manotoc Basketball Management.
Noong 2019 ay napabalitang nagdadate sila ni Miss Earth
2014 Jamie Herrell. Na isang Filipino-American actress, TV host, news anchor,
dancer at beauty queen na kalaunan ay kanyang naging kasintahan.
3. Michael Manotoc
Si Michael naman ay pinasok ang pagiging abogado. Nagtapos iya sa University of the Philippines ng kanyang abogaysa. Siya rin ang bunso sa magkakapatid.
Noong November 2017 ay ikinasal si Michael kay Cara
Manglapus sa harap ng San Agustin Church at sinundan ng isang tradisyon ng mga Ilocano.
Naihalintulad ang pagmamahalan nina Michael at Cara sa
kwento nina Romeo at Juliet dahil matatandaan na ang kanilang mga lolo na sina
dating pangulong Ferdinance Marcos at dating Fereign Affair Secretary Raul
Manglapis ay kilalang magkalaban sa politika. Ngunit napagtagumpayan ng dalawa
ang hidwaang ito ng kani-kanilang pamilya dahil sa kanilang pagmamahalan. Ang
kanilang pagmamahalan ay Mas lalo pang naging metatag nang isilang ang kanilang
anak na si Mia.
Napagdesisyonan naman ng mag-asawa ang perang nalikom nila
mula sa mga cash gifts na natanggap nila sa kanilang kasal na nagkakahalang ng
1.3 million ay e-donate para sa relief goods sa Marawi City.