Si Dawn Zulueta o si Rachel Marie Salman Taleon Lagdameo ay isinilang noong March 4, 1969 at siya ay nasa 52 taong gulang na sa kasalukuyan.
Si Dawn ay isang sikat na aktres, host at commercial model. Siya ang natatanging Filipina actress na nanalo ng dalawang gawad sa loob ng isang taon. Nanalo siya bilang Best Actress at Best Supporting Actress noong taong 1992 mula sa FAMAS.
Unang nasilayan ang ganda ni Dawn nang gumawa ito ng
commercial ng Close up noong 1986 kasama noon ang aktor na si Tonton Gutierrez.
Kaagad na bumida si Dawn sa pelikulang Nakagapos na Puso noong 1986 kasama sina
Sharon Cuneta at Lorna Tolentino.
Bumida rin siya sa Okay Ka, Fairy Ko noong 1995 hanggang
1997 bilang lead character’s wife. Pagkatapos ay naging co host siya sa musical
variety show ng GMA Supershow noong 1989. Naging host din siya sa iba pang
musical variety show gaya ng The Dawn and Jimmy Show noong 1989 at RSVP noong
1990.
2012 ay nakasama rin si Dawn sa palabas na Walang Hanggan kasama si Richard Gomez, Coco Martin at Julia Montes. Noong 2016 nama ay nakatrabaho ni Dawn sina Piolo Pascual at Coleen Garcia sa palabas na Love Me Tomorrow.
SI Dawn ay may lahing Paletine dahil ang kanyang ama na si
George Anton Salman ay isang Palestinian-Arab na pumunta ng Pilipinas
pagkatapos ng World War 2.
Si Antonio Lagdameo Jr ang naging asawa ni Dawn at
nagkaroon sila ng dalawang anak.
Ang panganay niyang anak ay si Jacobo Antonio na ipinanganak noong 2006. SIya ay nasa 15 taong gulang na sa kasalukuyan. Kinagiliwan rin ng maraming mga netizen ang kagwapuhan ng panganay na anak ni Dawn na si Antonio. Marami ang nagsasabing magiging isa siyang leading man pagdating ng panahon.
Ang ikalawang anak naman ni Dawn ay si Ayisha Madlen. Siya
rin ang bunso sa magkapatid. Marami rin ang mga natutuwa na napaka cute na anak
ni Dawn. Mahilig din si Ayisha sa mga sport at sa pag babake kasama ang kanyang
ina.
Madalas namang mag bonding ang magkapatid na Antonio at
Ayisha.
Marami sa atin ang nag-aabang sa mga anak ng mga paborito
nating mga artista. Gaya na lamang ni Dawn na gaya niya ang kanyang mga anak ay may
magandang pagmumukha, na nagpabilid at nagpahanga sa maraming mga tagasuporta
ng aktres.