Si Rosemarie Sonora ay ipinanganak April 14, 1948 sa Lungsod ng Bacolod. Siya ay isa sa mga aktres sa ating bansa na sumikat noong dekada 60.
Napasok niya ang mundo ng showbiz dahil sa kanyang ate na si Susan Roces na su Jesusa Purificacion Sonora Poe sa tunay na pangalan.
Una siyang nabigyan ng sarili niyang pelikula noong 1958
na Ulilang Anghel, isang pampamilyang drama, na nilahukan ng mga naglalakihang
artista ng Sampaguita Pictures.
Nilunsad siya noong 1966 kasama ang noo'y baguhan na sina
Gina PareƱo, Loretta Marquez, Blanca Gomez, Shirley Moreno, Dindo Fernando, Bert
Leroy Jr., Edgar Salcedo at iba pa at tinawag silang Stars of year '66.
Naging kabiyak niya ng dibdib si Ricky Belmonte na isa
ting matinee idol noong 1960s at nagkaroon sila ng tatlong anak. Narito’t
kilalanin natin sila.
1. Renzo Cruz
Si Renzon ang panganay na anak nina Rosemarie at Ricky.
Siya ay lumabas sa mga pelikulang Exit point, Tulak ng Bibig Kabig ng Dibdib at
maging sa mga palabas pantelebisyon gaya ng Pepito Manaloto, Walang Hanggan at
Mara Clara.
Maliban sa pagiging aktor ay isa rin siyang producer.
2. Sheryl Cruz
Si Sheryl Cruz ay ipinanganak noong April 5, 1974. SIya ay isang ring artista sa ating bansa. Siya ang nag-iisang anak na babae nina Ricky at Rosemarie. Una siyang lumabas bilang child star sa pelikulang “Candy.”
Lumabas siya sa pelikulang Mga Basang Sisiw kasama nina
Julie Vega, Janice de Belen at Che Che. Lumabas din siya sa pelikulang Kapag
Nag-abot ang Langit at Lupa 'ng Seiko Films kasama si Romnick Sarmenta. Pansamantalang
tumigil si Cruz sa pelikula nang siya ay magpakasal at naniraha sa Estados
Unidos kasama ang kanyang asawang si Norman John Bustos.
Ngayon ay aktibo parin si Sheryl Cruz sa pag-aartista at
paglabas sa mga teleserye ng Kapuso Network.
3. Patrick Sonora
Si Patrick ang bunso sa magkakapatid. Dati rin siyang aktor ngunit tumigil ito nang magkahiwalay ang kanilang mga magulang. Naiwan si Patrick noon sa pangangalaga ng kanyang amang si Ricky. Nang umalis ang kanyang ating si Sheryl upang manirahan sa San Francisco at ang pag-alis rin ng kanyang kuya Renzo ay pinili na rin si Patrick na sumama sa kanyang ina.
Ipinagbili nila ang kanilang bahay sa Valle Verde at
pinaghati-hatian ang napagbiling halaga. Matpos ito ay umuwi si Ricky sa
kanyang kapatid na si Elizabeth sa Paranaque at doon siya ay na stroke at
binawian ng buhay.