ALAMIN ANG MGA ARI ARIAN NI DANIEL PADILLA


Isa si Daniel Padilla sa mga hinahangaan ng marami sa ngayon. Si Daniel John Ford Padilla ay isinilang noong April 26, 1995. Siya ay nasa 26 na tong gulang na sa kasalukuyan.

Siya ay anak nina Rommel Padilla at Carla Estrada o Carla Ford sa tunay na buhay.

Hindi kaila sa marami na si Daniel ay masasabing isa sa mga talagang sumikat at nagtagumpay sa mundo ng showbiz industry. Hindi na rin mabilang ang kanyang mga magkabi-kabilang mga proyekto sa palabas at maging sa mga commercial.

Anupa’t sa mura nitong gulang ay marami na siyang nabiling mga ari-arian at naipon para sa kanya at kanyang pamilya.

Sa videong ito ay alamin natin ang mga ari-arian ni Daniel Padilla.

 

1. Mansion Sa Quezon City

Isa si Daniel Padilla sa mga batang celebrities na sa mura niyang gulang sa edad na 20 ay nakabili na ng kanyang dream house. Ito ang tahanang matatawag ni Daniel at ng kanyang inang si Carla na totoong kanila.

Bago ito nabili ni Daniel ay nangungupahan lamang ang mag-ina sa nakalipas na 25 taon.

 

Ang lupa sa bahay na ito ay may sukat na 1000 sq.m. na matatagpuan sa isang exclusive subdivision sa Fairview sa Quezon City. Dito ay naninirahan si Daniel kasama ang kanyang iba pang kapatid na sina JC, Magui at Lelay.

 

Ang bahay ay hango sa modern Mediterranean style na edenisenyo ni Architect Marie Louie Torres-de Leon. Ayon sa kanya, ito ang gusto ni Daniel at ng kanyang pamilya.

 

Ang harap ng bahay ay may modernong desenyo ng mga decorative stones, malalaking bintana at double patio glass main door.  Mayroon din itong Lanai malapit sa harapan ng pinto ng kanilang bahay.

 

Pagpasok mo sa first floor ng kanilang bahay ay makikita mo na aga ang napakagawang living area, business meeting spot, open kitchen at ang dinning area,

 

Sa second floor naman ng bahay ay mayroon ding living are, isang mini dining area, isang entertainment room, at ang mga Bedroom nina Carla at Daniel.

 2. 2013 Black Dodge Challenger

Nagmamay-ari rin si Daniel ng isang 2013 Black Dodge Challenger. Isa ito sa mga high end sports car kagaya ng Volkswagen Beetle o ng Mercedes Benz. Sa ngayon ay napabalitang ibinibenta ito ni Daniel sa halagang 3,2 Million pesos.

 3. Polaris 4X4 ATV

Maliban sa kanyang Doge Challenger ay mayroon pang isang Polaris 4x4 all-terrain vehicle o ATV na ginagamit ni Daiel sa mga off-road trails gaya ng pagpunta niya sa Subic.

 4. Ford Mustang GT50

May roon pang isang Vintage Sports Car si Daniel Padilla. Ito ang kanyang sasakyang nabangga ng isang tricycle driver nakaraang taon. Nangyari ang ito sa Fairview sa Quezon City.

Dito ay hinagaan ang aktor sa kanyang kabaitan dahil bagaman ang kanyang sasakyan ang nabangga ay hindi ito nagalit sa nakabangga sa kanya bagkos ay ito pa ang nagbigay tulong pinansyal sa tricycle Driver para sa pagpapaayos ng kanyang tricycle.

5. 2016 Red Corvette Stingray

Sa edad na 20 ay nabili ni Daniel ang sasakayang ito. Ito ay bunga na rin ng kanyang pagsisikap na matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay. Ang 2016 Red Corvette Stingray ay nagkakahalaga ng 9 million pesos noong 2016.

Tunay na mahilig si Daniel Padilla sa mga sasakyan dahil sa kanyang mga collection sa mga ito. Bagaman nasa rurok ng tagumpay ang aktor ay nanatili naman itong mapagpakumbaba.


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...