Si Mark Anthony Fernandez ay isang artista sa Pilipinas. Pinanganak noong Enero 18, 1979 sa Chinese General Hospital sa La loma, Quezon City; Siya ang nagiisang anak ni Rudy Fernandez at Alma Moreno.
Mga kapatid niya sa ama ay si Rap at Renz
Fernandez at mga kapatid niya sa ina si Vandolph Quizon, Wynwyn Marquez, Yeoj
Marquez, Vitto Marquez at Alfa Salic.
Sa edad na trese ay pumasok sa showbiz bilang
isa sa mga kabataang miyembro ng "Guwapings", isang grupo na binuo ng
kilalang showbiz manager na si Douglas Quijano at sumikat noong early 90s'.
Umani ng paghanga dahil sa kanyang galing sa
pag-arte at binansagang "Best Actor of his generation" ng isang
kritiko dahil sa ipinamalas niyang galing sa "Mangarap Ka" ngunit
dahil sa droga ay naalintana ang kanyang career.
Sa
tulong ng mga magulang at kaibigan, bumangon sa pagkakadapa si Mark Anthony at
noong 2005 ay muling nagbalik sa pelikula at muling pinatunayan ang kakayahan
sa piniling propesyon. Mula sa ABS-CBN teleseryeng "Super Inggo"
hanggang sa GMA's "Impostora" nakita muli ng publiko ang galing ng
aktor.
Noong Septembre 24, 2006 pinakasalan niya si
Melissa Garcia, ang matagal na niyang nobya at ina ng kanyang mga anak, sa
isang garden Christian ceremony sa Intramuros.
Narito’t kilalanin nating ang mga anak ni Mark
Anthony Fernandez.
1. Grae Fernandez
Si Grae Cameron Garcia Fernandez ay isang
Filipino Teen actor, host at recording artist na nakilala sa pagiging vocalist
ng Star Magic’s teen boy group Gimme 5.
Isinilang siya noong November 7 2001 sa
Maynila. Siya ang nakakatandang anak ni Mark Anthony kay Melissa.
Mabilis ang pagsikat ng aktor hindi lang dahil
sa kanyang taglay na galing at kakisigan kundi marahil ay bunga na rin ng kanyang pagiging great grandson ng
actor na si Gregoria Fernandez, apo ng batikang actor na si Rudy Fernandez at ng
sikat na Padilla clan gaya nina Robin at Rommel.
Unang lumabas si Grae sa TV vommercial ng
Jollibe noong 2013 at pagkatapos ay naging isa sa mga manlalaro ng Minute to
Win It na ng ABS CBN.
2. Rudolf Venedictos Garcia Fernandez.
Si Rudolf naman ay ang ikalawang anak ni Mark
Anthony at Melissa. Madalas na ka
bonding ni Grae ang kanyang nababatang kapatid.
Magsubscribe sa channel na ito para sa mga
videong kagaya nito. Salamat sa inyong panonood mga kasama.