ALAMIN
ANG IBA’T-IBANG ARI-ARIAN NI BONG REVILLA JR
Batay Sa artikulong naisulat sa
asianmoneyguide . com ay itinuturing na pangwalo sa pinakamayamang celebrity sa
bansa ang kasalukuyang senador Bong Revilla Jr. Tinatayang aabot sa higit sa
100 million pesos ang networth o kabuuang kayamanan ni Bong Revilla noong 2018.
Sinasabing nagmula ang mga tinatamasang yaman
ni Bong sa mga pelikula niyang tinagkilik at pinilahan sa mga senehan mula pa
noong 1983. Ang mga pelikula niyang gaya ng Agimat, Ang Panday, at Captain
Barbell ang nagbigay sa kanya ng malaking halaga.
Nanalo ng apat na Gawad ang kanyang mga
pelikula at palabas na Idol ko si Kap,
Kaps Amazing Stories, Ang Panday, at Si Agimat at Si Enteng Kabisote.
Nasangkot si Bong Revilla sa 2014 Pork Barrel
Scam na sinasabing naglipat ng pondo ng pork Barrel sa mga pekeng NGO ng
sinasabing utak ng scam na si Janet Lim-Napoles para sa mga proyektong hindi
naman umiiral.
Sinasabing aabot samahigit sa 224 milyon ang
kickback na natanggap umano ng opisina ni Bong Revilla mula kay Napoles.
Narito ang ilan sa mga ari-arian ni Senador
Bong Revilla Jr.
1. 15 Motor Vehicle
Mayroon anyang labin-limang iba’t-ibang klase
ng motor vehicle si Bong Revilla. Ilan sa mga ito ay Mitsubishi Montero na
lagpas sa 1.5 million pesos, Toyota Hi-Ace Grandia na lagpas sa 2 million pesos,
Nissan Frontier Navarrana higit sa 1.8 Million Pesos, Toyota Corolla na higit
sa 1.5 Million Pesos, Mitsubishi Adventure GLX na aabot sa 1 Million pesos,
Cadillac Escalade na aabot sa 2.2 Million Pesos, Toyota Jeep na lagpas sa 2
Million Pesos, Mitsubishi L300 naaabot sa 1 Million Pesos, Fuso Jitney, BMW 730
Li na aabot sa 9 Million Pesos, Hyundai Starex Van na aabot sa 3 Million Pesos,
Lexus LX570 Wagon na lagpas sa 8.3 Million Pesos, Isuzu NHR at dalawang Toyota
Innova Wagon na higit sa 1.7 Million Pesos ang bawat isa.
2. 28 Real Estate Properties
May roon anyang 28 Real Estate Properties ang
mag-asawa. Ilan sa mga ito ay ang dalawang 125 square meter lots sa Tagaytay
City. Dalawa naman sa Silang Cavite na may sukat na 10, 191 square meters at
14,834 square meters.
Mayroon din silang 443 square meter house at
13 square meter guard house sa Bacoor, Cavite.
3. 5 Shares of Stocks Valued at 1.14 Million
Humahawak rin ng stocks si Bong Revilla na
nagkakahalaga ng lagpas sa 1.14 Million Pesos. Ilan sa mga kompanyang may
hinahawakang stocks ang sendor ay ang Manila Southwoords, Royal Tagaytay and
Country Club, Subic Yacht Club, Palms Country Club, Riviera Golf and Sports
Club, Natures Concept Development and Realty Corp. Alabang Country Club, Inc.,
San Miguel Corporation, GMA-7 Network at ang Villa Jose Jacinta, Inc.
4. 12 Shares from Exclusive Clubs and Private
Companies
Mayroon ding pinapatakbong mga negosyo si Bong
Revilla gaya ng kanyang mga RRJ Films Inc. at RRJ Trading and Trucking
Corporation.
5. 44 Bank Account
Sinasabing mayroong 44 na bank accounts si
Bong mula sa iba’t-ibang bangko. Hindi naman ibinahagi sa publiko kung magkano
ang laman ng bawat bank ng senador.
Napawalang sala si bong Revilla sa kasong
Plunder noong 2018 at nakalaya matapos ang apat na taong pagkakakulong. Mayroon
pang 16 counts of graft na kinahaharap ang senador hanggang sa kasalukuyan.
Magsubscribe sa aming channel para sa mga
ganitong videong kahihiligan ninyong panoorin. Bisitahin rin ang aming mga
playlist na inihanda para sa inyo. Salamat sa inyong panonood mga kasama.