MGA
ARIARIAN NI BOSSING VIC SOTTO
Itinuturing si Bossing Vic Sotto ng marami
bilang isang silent millionaire dahil sa hindi gaanong alam ng nakararami ang
mga ari-arian na kanyang naipundar hindi katulad ni Willie Revillame na halos
alam ng buong Pilipinas ang mga pag-aari nito.
Madalas ding ikumpara ang dalawa pagdating sa
mga bagay-bagay na kanilang tinatangkilik.
Si Bossing Vic ay isang kilalang komedyante at
host ng longest running Philippine noontime show na Eat Bulaga. Dahil sa dami
na rin ng mga pelikulang nagawa sa big screen man at sa telebisyon ay tunay na
hindi malabong magtamasa si Bossing ng di maliit na kayamanan mula sa kanyang
pagiging artista, host at pagiging singer.
Dahil sa pagiging mahusay na aktor ay aabot sa
dalawampung Gawad ang kanyang napanalunan mula sa pagiging Best Actor in Comedy
Series hanggang sa pagiging Five-time Box- Office King.
Ipinanganak siya noong April 28, 1954 at siya
ang bunso sa magkakapatid. Nagsimula siya sa industriya bilang folk singer at
guitarist. Ilan sa mga kantang nai produce niya ay Awitin Mo at Isasayaw Ko,
Rock baby Rock at Kung Sakali.
Lima ang naging anak ni Vic Sotto mula sa
iba’t-ibang nakarelasyon. Ito ay sina Oyo Sotto, Danica Sotto, Vico Sotto,
Paulina Sotto at Tali Sotto. Si Pauline Luna ang kasalukuyang asawa ni Bossing
Vic Sotto.
Tunay na isang kilalang tanyag na personalidad
si Vic Sotto sa iba’t-ibang larangan ng pag-arte at pagpapatawa. Anupat dumami
ang mga tagahanga nito na siyang naging dahilan ng lalo nitong pagtangkilik ng mga
kayamanan. Narito ang ilan sa mga nasaliksik naming mga pagmamay-ari ni Bossing
Vic Sotto.
1.
M-Zet Production
Si Vic Sotto ay nagmamay-ari ng isang film at
TV production company na nag proproduce ng mga pelikulang halos lahat ay
kinagiliwan at tinangkilik ng publiko. Ilan sa mga pelikulang na iproduce ng
M-Zet production ay Si Agimat at si Enten Kabisote, The Kilabots Pogi Brothers,
Ang darling Kong Aswang, Dobol Trobol: Lets Get Redi 2 Rambol at maging ang
serye ng Enteng Kabisote.
Kung iisa-isahin ang mga kinita ng pelikulang
gawa ng kanyang production ay talagang malulula ka higt lalo na at karamihan sa
mga ito naging blockbuster sa mga sinehan.
2. Ferrari FF
May sasakyang Ferrari FF si bossing na
nagkakahalaga ng humigit kumulang sa $295,000 o higit sa 14 million pesos.
3. Audi Q3
Nagmamay-ari rin si Bossing Vic ng sasakyang
ODQ3 na ang halaga ay humigit kumulang naman sa $32,900 dollars o higit sa 1.5
milyon pesos. Binilhan rin ni Vic Sotto ang anak na si Paulina bilang kanyang
regalo graduation nito noong 2015.
4. Mustang
Sikat na sasakyan rin ng mga mayayaman ang
Mustang na kung saan ay napabalitang nagmamay-ari rin si bossing ng ganitong
sasakyan. Ang Mustang ay aabot ang halaga sa $37,195 dollars o higit sa 1.7
milyon pisos.
5. Jaguar
Dagdag pa sa listahan ng mga sasakyan ni
Bossing ang isang Jaguar na nagkakahalag mula $51,100 hanggang $71,800 dollars
o aabot sa 3.5 milyon pesos.
6. 2-Storey Glass House in Laguna
Nagmamay-ari rin ang mag-asawa ng 2-storey
house sa Laguna. Makikita ang napakagandang desenyo mula sa harapan ng bahay,
ang napaka komportabling Living Room, ang napakagarang Dining Area, ang Napaka
modernong gamit sa kanilang Kitchen.
May roon din itong dalawang guest rooms at
guest bathroom. Napakaganda rin ng veranda nito at ang simple ngunit eleganting
swimming pool.
Maraming pang mga properties si Bossing Vic
Sotto na hindi pa ipinapaalam sa publiko.
Itinuring si Vic Sotto bilang ika anim na
pinakamayamang Pinoy Celebrity sa bansa dahil sa kanyang networth at kamangha-manghang
mga properties. Tinatayang aabot sa 200 milyon hanggang 400 milyon pesos ang
networth ni Bossing Vic Sotto.
Magsubscribe na sa channel na ito kung hindi
ka pa nakapagsusubscribe para sa mga ganitong uri ng videong kahihiligan
ninyong panoorin. Salamat sa inyong panonood mga kasama.