KILALANIN
ANG MGA ANAK NI ROMY DIAZ
Maaring pamilyar ka sa kanyang tawang nakakatuwa pakinggan. Siya ay si Jose Romeo Diaz sa totoong buhay o mas pamilyar sa atin bilang si Romy Diaz. Ipinanganak siya noong November 28, 1941.
Kilala siya sa pagiging kontrabida sa maraming pelikula at madalas ay palagi
silang magkasama ng kanyang kapatis na si Paquito Diaz. Ang kanilang ama ay
isang Mexican American.
Bago pumason sa pagiging artista si Romy
ay naglalaro ng Basketball sa kupunan ng
FEU Tamaraws. Naglaro rin siya sa Crispa Redmanizers at Ysmael Steel Admirals
noong 1960s.
Ang unang pelikulang nagawa ni Romy Diaz ay
ang Buhay Na Manika noong 1971. Sinundan ito ng Fight Batman Fight noong 1973
at Bato sa Buhangin noong 1976. Aabot sa limampung pelikula ang kanyang
kinabilangan at ang huli sa mga ito ay ang Alamat ng Lawin noong 2002.
Nagkaroon ng isang anak na lalaki si Romy Diaz
na ang pangalan ay si Sieg Diaz. Sa aming munting pananaliksik, ay kasalukuyang
nagtatrabaho si Sieg sa Clariant sa Auckland, New Zealand. Si Siege ay nasa 44
na taong gulang na sa kasalukuyan at mayroon na ring asawa at mga anak.
Nagtapos si Sieg ng kanyang pag-aaral sa Far Eastern University.
Madalas ding gayahin si Rommy Diaz sa kanyang
estilo ng pananalita at pagtawa. Ilan sa mga ito ay talagang kinagiliwan ng
mgaraming netizen.
Pumanaw si Romy Diaz dahil sa kanser sa dila
dahil sa labis na paninigarilyo noong May 10, 2005 sa edad na animnaput-tatlo.
Nawala siya limang buwan matapos na pumanaw rin ang aktor na si Fernando Poe
Jr.
Inaanyayahan po namin kayong maging bahagi ng
aming munting channel. Magsubscribe na po kayo para palagi po kayong
makatanggap ng mga videong kahihiligan ninyong panoorin. Salamat po na
napakarami sa inyo mga kasama.