KILALANIN
ANG MGA ANAK NI JOHNNY DELGADO
Si Juan Marasigan Feleo na mas kilala bilang Johnny Delgado, ay isang
Pilipinong artista sa telebisyon at pelikula, isang komedyante, at manunulat.
Kilala siya sa kanyang pagganap sa telebisyon
sa TV gag show na Goin 'Bananas.
Gumanap siya sa mga papel sa mga pelikulang
Kakabakaba Ka Ba? at Tanging Yaman.
Nagwagi siya ng FAMAS Award at ng Metro Manila
Film Festival Award para sa Best Actor noong 2000. Nanalo rin siya ng Best
Supporting Actor noong 2006 at 2007 sa mga pelikulang Ligalig at La Visa Loca.
Ipinanganak siya noong Pebrero 29, 1948 sa
Maynila. Siya ay anak ni Ben Feleo na isang direktor ng mga pelikula, at ni Victorina
Marasigan, isang tagapagturo.
Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay
Hindi Pa Tapos ang Laban noong 1994 bilang si Congressman, Contreras Gang noong
1991 bilang si Tinyente Pascual, ang huling pelikulang kanyang nagawa ay
Labing-Labing na kung saan nakasama niya ang kanyang asawa at anak.
Asawa niya ang director-director na si Laurice
Guillen.
Dalawa ang naging anak nina Johny Deldagoa at
Laurice na gaya nila ay kapwa pinasok rin ang pag-aartista. Narito’t kilalanin
natin sila.
1. Anna Feleo
Si Ana Feleo ay marahil ang iyong paboritong supporting
actress para sa anumang telepantasya na maaari mong maisip.
Ginampanan niya ang matapat at
pinagkakatiwalaang si Ades ng Lireo sa Encantandia, ang misteryosong Bayang sa
Amaya, isang kameo role sa Ang Panday.
Kapansin-pansin ang kanyang husay at kasanayan
sa pag-arte dahil tunay na dumadaloy ang talentong ito sa kanilang mga dugo.
Siya ang panganay na anak ng yumaong
multi-award aktor na si Johnny Delgado at ang award-winning na director ng
pelikula na si Laurice Guillen.
Sinimulan ni Anna ang kanyang karera bilang
isang modelo at kalaunan ay nakipagsapalaran sa industriya ng showbiz.
Nagtapos si Anna sa College of Music sa
University of the Philippine.
2. Ina Feleo
Si Irina Guillen Feleo ay ipinanganak
noong Disyembre 29, 1986. Mas kilala
bilang si Ina Feleo. Siya ay isang ring artista, figure skater, dancer, at
manunulat.
Sumikat siya dahil sa ginampanan niya ang pagiging
kontrabida bilang si Odessa sa romantiko-horror-drama sa GMA Network na
Hanggang Makita Kang Muli.
Sa pagitan ng edad na mula 9 at 16 ay nagsanay
si ina bilang isang figure skater dito sa Pilipinas, ngunit lumipat ito sa USA
dahil sa kawalan ng mga pasilidad sa ating bansa.
Sa pagitan ng 2003 at 2008, siya ay naging
kasapi siya ng Bayanihan Dance Company at nalibot niya ang iba`t ibang mga bansa
dahil dito.
Nagtapos siya sa Ateneo de Manila University
na may degree sa Creatice Writing.
Sinubukan ni ina ang kanyang kapalaran sa
mundo ng showbiz industry. Nagsimula siya bilang dancer at maging sa speaking
roles.
Nakatanggap siya Best Performance of an
actress" award sa Cinemalaya para sa kanyang pagganap sa pelikulang Endo.
Noong 2019 ay na engaged si Ina sa kanyang
long time boyfriens at nagpakasal sila noong Disyembre 1, 2020.
2008 nang ma diagnose si Johny Delgado na may
cancer. Naging maayon naman ang chemotherapy ni Johny at nagawa pa nitong dumalo
sa pagdiriwang ng kaarawan ni Sen. Jinggoy Estrada noong Pebrero 2009.
Ngunit bumalik ang kanyang cancer at dinala
siya sa St. Luke's Hospital sa Lungsod ng Quezon. Namaalam siya noong Nobyembre
19, 2009 dahil sa lymphoma.
Nawala man sa mundo ng pelikula ang isa sa mga
haligi ng industriya, nag-iwan naman si Johny Delgado ng saya at tuwa sa
kanyang mga tagahanga.
Magsubscribe sa aming YouTube Channel para sa
mga ganitong video na kahihiligan ninyong panoorin. E like at e share narin sa
inyong mga kaibigan. Salamat po sa inyong panonood.