KILALANIN
ANG MGA ANAK NI DINDO ARROYO
Kung ikaw ay batang 90s ay malamang naaalala
mo pa ang charater actor na si Dindo Arroyo na talagang nagpagigil sa atin sa
mga palabas sa senehan dahil sa kanyang angking galing sa pag-arte bilang kontrabida.
Ang tunay niyang pangalan ay Conrado Manuel Macalino Ambrosio II.
Lahat ng mga nagawang pelikula ni Dindo ay
talagang kahanga-hanga ngunit ang isa sa pinaka itinuturing niyang milestone sa
kanyang pagganap ay sa pelikulang “Dito sa Pitong Gatang” na pinagbibidahan ni
FPJ. Si FPJ pa umano ang talagang pumili
sa kanya upang gampanan ang kanyang role sa nasabing pelikula. Ang ilan pa sa
mga palabas na ginawa ni Dindo kasama si FPJ ay “Walang Matigas na Tinapay sa
Mainit na Kape,” “Hagedorn,” “Syota Kong Balikbayan,” at Dalubhasa.”
Ang ilan pang mga sikat na aktor na nakasama
niya ay sina Eddie Garcia, Philip Salvador, Bong Revilla, Lito Lapid, at Rudy
Fernandez.
Lumabas si Dindo sa higit sa isangdaan at
dalawampung pelikula. Kinilala ang kanyang galing sa pag-arte nang gawaran siya
ng “Kontrabida of the Millenium 2020 Award mula sa Film Development Council of
the Philippines.
Matagal na panahon na hindi na natin napanood
si Dindo na umarte, dahil sa ninais nitong mamuhay ng payak at dahil sa kanyang
naging kalusugan.
Taong 2014 ay na diagnose siya na may stage 4
pancreatic cancer. Tanging herbal medicines anya ang kanyang ininum mula sa mga
Chinese doctor ng Ongpin sa Maynila. Ito anya ang nagbigay sa kanya ng
karagdagang lakas upang sa muli ay maipagpatuloy ang kanyang pag-arte.
Lumabas si Dindo bilang si Director Acosta sa
FPJs ang Probinsyano noong 2016. Isang kurap at walang pusong opisyal ang
kanyag ginagampanang papel.
Anim ang naging anak ni Dindo sa kanyang
asawang si Sherryl Lyn. Narito’t kilalanin natin sila.
1. Braina Lauren Head Ambrosio
Si Briana ay ang panganay na anak ni Dindo at
Sherryl Lyn. Nagtapos si Briana ng kanyang Entrepreneur course sa De La Salle
Laguna.
Si Briana ay engage na kay Allan Johnson
Craig.
2. Stephanie Marie Ambrosio
Si stephanie Marie namang ang pangalawang anak
ni Dindo, Siya ay nagtatrabaho bilang isang Marketing Officer sa Globe Telecom
mula Nobyembre 2019 hanggang sa kasalukuyan.
Dati siyang nagtrabaho bilang Segment
Marketing Specialist sa Pru Like UK, Channel Manager sa DSI Technology
Incorporated at Sales Recruitment Intern sa Filinvest Alabang Incorporated.
Gaya ng kanyang ate Briana ay sa De La Salle
University rin siya nag-aral ng Business Administration at nagtapos noong 2015.
3. Conrado Manuel Ambrosio III
Si 3rd o si Mackoy ay isa sa
dalawang anak na lalaki ni Dindo. Mahilig siyang tumugtog ng gitara at kumata.
Hilig din niya nag paglalaro ng soccer.
Nag-aral siya sa University of the Philippines sa Los Banos at kumukuha ng
Kursong Veterinary Medicine.
Gaya ng ordinaryong teenager ay hilig din niya
ang lumabas kasama ang mga kaibigan.
4. Charlene Nicole Ambrosio
Nasa 23 taong gulang na si Charlene. Siya ang
isa magagandang anak ni Dindo. Nag-aaral siya sa University of the Philippines
sa Los Banos at kumukuha ng kursong Forestry.
Hilig niya ang pag hohost sa mga gawaing
pampaaralan. Hilig niya rin ang pag titiktok at paglabas kasama ang kanyang mga
kaibigan.
5. Andrea Isabel Ambrosio
Si Andrea ay ang panlimang anak ni Dindo. Siya
ay nasa 20 taong gulang na. Kitang kita ang ganda ni Andrea sa mura niyang
edad. Di malayong maging isa rin siyang sikat na aktress pagdating ng panahon.
Makikita rin sa kanya ang fashion sa kanyang
mga porma anupa’t lalong lumalabas ang natural niyang kagandahan.
Si Andrea ay nag-aaral rin sa University of
the Philippines Los Banos. Maliban sa taglay nitong kagandahan ay isang
matalinong mag-aaral si andrea kaya’t isa siya sa mga college scholars na
nakakuha ng General Weighted Average na 1.6 na grado.
6. Dominic Chri-sus Ambrosio
Si Dominic ang bunsong anak naman ni Dindo.
Sa ngayon ay maligaya ang aktor dahil sa
inabot ng kanyang mga anak at sa kanyang muling pagbabalik pelikula na kung
saan nakatanggap siya ng mga papuri mula sa kanyang dating mga tagahanga.
Dumaan sa matinding pagsubok si Dindo nang
mawala ang kanyang asawa dahil sa heart attack sa isang araw bago nila
ipagdiwang ang kanilang ikalabing-apat na anibersaryo ng kasal. Ito ang lubos
na nagpalungkot sa kanya at hindi ang
resulta ng pagkakaroon niya ng cancer.
Nawa’y nagustuhan niyo ang videong ito. Inaanyayahan po namin kayong magsubscribe sa channel na ito. E like at e share narin po sa inyong mga kaibigan. Salamat po sa inyong panonood.