KILALANIN ANG MGA ANAK NI WALLY BAYOLA



KILALANIN ANG MGA ANAK NI WALLY BAYOLA

 

Nakilala si Wally dahil sa kanyang mga pagpapatawa kasama ang kanyang matalik na kaibigan na si Jose Manalo.

Madalas natin siyang Makita sa programa ng eat bulaga at lumalabas din siya noon sa mga comedy bar gaya ng Klownz.

Walter James Bayola ang tunay niyang pangalan. Higit na nakilala si Wally nang gampanan niya ang role ni Lola Nidora at pagkaminsan ay Duhrizz, Rihanna at Doktora the Explorer sa kalye serye ng noontime show ng Eat Bulaga  na pinagbibidahan ng ALdub.

Maliban kay Jose Manalo ay kasama din niya sa paghohost si Paolo Ballesteros na kung saan nakilala ang kanilang samahan bilang JoWaPao sa Juan for All, All for Juan segment ng show.

 

Naging isang malaking hamon sa buhay ni Wally ang pag viral ng scanda video niya kasama ang EB Babe na si Yosh Rivera noong September 2013, dahilan ng kanyang limang buwang pagkawala sa telebisyon.

Lima ang naging anak ni Wally sa kanyang asawa na si Riza Reun Bayola. Si Riza ay na meet ni Wally sa isang drama club sa kanyang Alma Mater sa Naga Foundation College. Naging isang licensed nurse si Riza matapos itong makapasa sa Nurse Licensure Exam noong 2012.

 

Narito’t Kilalanin natin ang mga anak ng komedyanting si  Wally Bayola.

1.  Lyza Bayola

Instant celebrity si Lyza dahil sa mga lumabas na mga artikulo sa iba’t-ibang entertainment portal at mga video sa YouTube. Dito ay hinangaan ang taglay na kagandahan ni Lyza.

Isa nang ina si Lyza sa kay baby Zafira Lois. Kakikitaan din siya ng great taste in fashion. Mahilig din siyang pumuta  ng beach at totoong tagahanga din ng Aldub.

2. Rianne Bayola

Si Rianne ang pangalawang anak ni Wally Bayola.  Na diagnose si Rianne na mayroong rare king leukemia. Humingi naman ng dasal noon ang pamilya bayola sa kalagayan ng kanilang anak. Parang matalik na magkaibigan ang turingan nina Rianne at ate nitong si Lyza. Mabait at palakaibigan si Rianne.

3. Rome Bayola

Si Rome naman ang nag-iisang anak na lalaki ni Wally Bayola. May potensyal ding maging isang artista si Rome. Ano sa palagay ninyo mga kasama. E comment niyo yan sa ibaba.

4 at 5. Zyrine at Zianne

Sina Zyrine at Zianne ay maliliit pa lamang. Sila ang dalawa pang anak na babae ni Wally. Malabing at mapagmahal na bata sina Zyrine at Zianne at close na close sa kanilang ama.

 

Kung nagustuhan mo ang videong ito, please share, like at subscribe sa ating channel. Salamat sa inyo pong panonood.

 

 


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...