KILALANIN ANG MGA ANAK NI IAN VENERACION


KILALANIN NATIN ANG MGA ANAK NI IAN VENERACION

 

Sa edad na apatnaput-lima taon itinuturing si Stephen Ian Lopez Veneracion o mas popular sa atin sa simpling Ian Veneracion bilang isa sa pinaka hottest and cuttiest dad sa celebrity world.


Kaya’t di maiwasan na maging ang mga ordinaryong mamamayan ay magkaroon ng greatest crush sa kanya.

Sa panayam ng Inquirer .  net ay inamin ni Ian na kahit siya bilang tao ay hindi immune sa temptation at maaring magkamali. Alam umano niya na  bahagi ito ng showbiz industry at nararanasan niya ito sa lahat ng pagkakataon.

Bagaman, marami anya siyang nakatrabahong magagandang babae ay hindi siya nagpadala sa tukso kaya’t overconfident umano sa kanya ang kanyang asawa kaya’t kahit siya ay ini ignore nito.

Si Ian ay kasal kay Pam Gallardo kung saan nagkaroon sila ng tatlong anak.

 

Isa-isahin natin ang mga anak ni Mr. Ian Veneracion.

 

1. Tristan Draco Veneracion


Si Draco ang panganay na anak ni Ian Veneracion kay Pam Gallardo. Naging latest crush sa social media si Draco dahil sa pagkakahawig nito sa kanyang ama.

Kumuha si Draco ng Bachelor’s Degree in Legal Management sa De La Salle University. Ang kanyang pangalan na Tristan Draco ay hinango popular constellation at movie character sa pelikulang Dragonheart at Legends of the Fall ni Brad Pitt bilang si Tristan.

 

Mahilig si Draco sa mga outdoor sports gaya ng motorbiling tulad ng kanyang ama. Nakuha din ni Draco ang interes ng kanyang ama sa hiking, sailing, at snowboarding kaya’t maging ang kanyang mga kapatid ay sumasama na rin sa kanila.

 

2. Deirdre Veneracion


Si Dids ang nag-iisang anak na babae ni Ian Veneracion. Subalit nag come out si Deirdre sa kanyang ama bilang isang lesbian noong siya ay 16 na taong gulang.

 

Nagkwento ni Ian sa programa ng Magandang Buhay kung paano umamin si Dids sa kanya sabi ng actor.

“Dumating siya, medyo teary-eyed, sabi niya, “Daddy I’ll tell you something.” Sabi ko “What? Sit down.”

 

Sabi niya, “ I like girls.”

Sabi ko sa kanya, “Me also, I like girls.”

Tapos nagtataka siya. It’s Okay?

 

“Yes. Just don’t ever be apologetic about it, not even to me.”

You can be whoever you want to be. And I have full support.

 

Nasurpresa umano sa kanya ang kanyang anak dahil sa kanyang pagiging cool.

Dagdag pa ni Ian

“Umatras yung luha niya kasi natawa siya. Sabi niya, “You know?’’

Sabi ko “Oo naman, bata ka pa ang macho mo na”

Nagtawanan nalang umano ang dalawa sa pag-amin ni Dids.

 

3.  Duccio Veneracion


Si Duccio ang bunsong anak ni Ian at Pam. Siya ay nasa 14 na taong gulang na. Gaya ng kanyang kuya Draco at ate Dids ay hilig din ni Duccio ang mga outdoor activities.

Marahil silang tatlo ang halimbawa ng mga coolest teenagers dahil sa pareparehong hilig ng mga ito lalo na sa mga outdoor activities.

Full support naman sina Ian at Pam sa anumang gusto ng kanilang mga anak.

 

Nawa ay na enjoy mo ito. Huwag mong kalimutang magsubscibe sa ating channel para lagi kang updated sa ganitong mga video. Salamat sa panonood.

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...