MGA LALAKING DUMAAN SA BUHAY NI BEA ALONZO


Noong nakaraang taon ay naging malaking balita ang paghihiwalay nina Bea Alonzo at Gerald Anderson dahil umano sa pagkasangkot ni Julia Baretto sa relasyon ng dalawa. Ngunit alam mo ba na bago naging mag kasintahan sina Bea at Gerald ay naging seryoso din ang relasyon noon ni Bea Alonzo kay Zanjoe Marudo? Nito lang ay naging mainit din sa mata ng publiko ang pagiging sweet nina Bea at ng 30 years old na actor na si Dominic Roque.

Ngayon ay ating kilalanin ang mga lalaking dumaan sa buhay ni Ms. Bea Alonzo

1. Mico Palanca

       Naging magkakilala sila noong 2002 noong teenager pa lamang si Bea at nasa erly 20s naman si Miko Palanca. Nilagawa siya ni Mico ng ilang taon bago naging sila.
Ngunit noong 2008 ay naghiwalay sila dahil sa hindi umano sila nagkakaintindihan. Sinabi ni Bea na dahil sa agwat ng kanilang edad at prioridad sa buhay madalas silang hindi magkaunawaan. Hindi anya naging maganda
ang pagsasama nilang dalawa.

Namatay si Mico noong December 2019.

2. Jake Cuenca

Noong August 2008 ay inamin ni Bea na nakikipag
date siya kay Jake Cuenca. Sa mga panahong ding iyon ay katatapos pa lamang ni Jake Cuenca mula sa isang seryosong pakikipag relasyon.

Inamin nang dalawa na nagkaroon sila ng maraming
besis na pakikipag date ngunit kalaunan ay ginusto nalang anya ng dalawa na
maging magkaibigan upang mabigyang panahon ang kanikanilang mga karera.

3. Zanjoe Marudo

Naging magkasintahan sina Bea at Zanjoe sa loob ng
limang taon. Si Bea ang unang umamin na nakikipagrelasyon siya kay Zanjo noong October 2011.  Noong 2013 ay nagawa pang surpresahin ni Bea si Zanjoe sa isang TV show na Banana Split.

Ngunit gaya ng ibang mga relasyon ay di rin nagtagal ang kanilang pagsasama. Naging emosyonal si Zanjoe nang kanyang isinapubliko ang pag-amin ng kanilang breakup noong January 2016 noong sya ay
nag guest sa Tonight With Boy Abunda.

Sinabi naman ni Bea na ang ugat ng kanilang hiwalayan ay ang kawalan anya ng oras para sa isa’t-isa.

4. Gerald Anderson

Hindi malimutan ng mga tao ang pagkakaroon ng mainit na ugnayan ng dalawa noong 2010 bago muli sila nagsama sa pelikulang How to be Yours noong 2016.

Madalas din makita ang dalawa sa kanilang mga dates sa at out of the country trips. Noong October 2018 ay umamin si Bea na gusto niyang maging asawa si Gerald Anderson.

Noong March 2019 ay nagawa pang surpresahin ni Bea
si Gerald sa kaarawan nito. 
Nagsimula nag gusot sa relasyon ng dalawa noong July 2019 nang mag post si Bea sa kanyang Instagram story na “Something I learned about people. If they do it once, they’ll do it again.”

Agad namang nahulaan ng mga netizen kung sino ang
pinariringgan ni Bea sa kantang Instagram story na walang iba kundi ang ugnayan nina Gerald at Julia Barretto.

Nagsalita si Bea sa publiko at sinabing “Honestly, to my understanding, we did not break up. He just started not talking to me.”

Binasag naman ni Gerald ang kanyang katahimikan at
sinabing wala umanong third party sa kanilang paghihiwalay.

5. Dominic Roque

Bagaman wala pang linaw kung may relasyon na nga sina
Bea at Dominic sa ngayon ay sini ship naman silang dalawa ng kanilang mga taga suporta. 

Nagpost ng throwback photo si Dominic kasama si Bea ng kanilang trip noon sa Tokyo na kung saan may caption itong “tila ako’y nabighani..”

Walang pang kinoconfirm o dinideny ang dalawa sa kanilang relasyon kaya’t mag subscribe na para lagi kang updated sa mga ganitong showbiz news.


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...