Noong nakaraang araw lang nang isugod si Emman sa ospital at dinala sa ICU dahil sa kidney failure at blood complications.
Isa sa mga nakiramay ang internet star na Madam Kilay. Sinabi niya, "I know 1
time Lang Kita nakasama pero memorable yun. SILENT LANG AKO Pero nakafollow ako sa ngyari sayo since day 1 nasa altar ko ang pangalan mo. Hanggang sa muli emz! -MK."
Samantalang si Cong TV naman ay isa sa mga nanawagan ng tulong para sa kaibigang si Emman sa pamamagitan din ng social media. Matatandaan na nito lamang Mayo nang ibahagi ni Emman ang tungkol sa kanyang malubhang karamdaman na acute myeloid leukemia, isang uri ng blood cancer.
Pahayag noon ni Emman, "Ito na ‘yong pinakamatindi na laban na kakaharapin ko at sinasabi ko sa inyo ngayon, lahat ginagawa ko para manatiling matibay, maging handa at higit sa lahat, maging malakas kasi kailangan eh,"
Dagdag pa nito sa isang YouTube video. "Hayaan niyo lang akong isama kayo sa laban na 'to para makita niyo lahat ng ibabato sa ating hamon, pagsubok, kakayanin. Basta diretso lang tingin natin sa buhay at tsaka positibo tayo,"
Si Emman Nimedez ay isang Actor, YouTuber, at filmmaker na nakilala sa kanyang mga short films, parodies, at covers. Sa kabila ng malubhang karamdaman ay naging positibo pa rin ito sa buhay at matapang na hinarap ang sakit.
"Noong kinuhaan ng samples 'yong bone marrow ko, lumabas sa results may acute myeloid leukemia. Mayroon akong cancer," Sabi pa niya.
Pumanaw na ang Pilipinong vlogger na si Emman Nimedez matapos isugod sa ospital noong gabi ng August 13. Sa isang Facebook post sa official page nito, ibinahagi ng kasintahang si Peachy Santos ang malungkot na balita.
"Our beloved Emman Nimedez joined our Creator at 1:00am today, August 16, 2020, Sunday. He was with his family during the time of his passing at St. Luke's Medical Center - Quezon City. "Our family is thankful to everyone who offered prayers and showed support. "Funeral details will be announced in the next days.
We hope everyone will respect the family's privacy to mourn the passing of Emman. Thank you."
Manatiling nakatutok sa mga mahahalagang pangyayari. Magsubscribe na sa aming YouTube Channel. Salamat mga kasama sa inyong panonood.