MGA NAGING ANAK NI EDDIE GUTIERREZ







MGA ANAK NI EDDIE
GUTIERREZ

Ipinanganak 
si Eduardo Pickett Gutierrez o kilala bilang Eddie Guttierez noong
Pebrero 6, 1942 sa Manila Doctor’s Hospital. Siya ay anak nina Antonio Atayde
Gutierrez at Mary Rufina Herranz Pickett.

Tatlo 
ang naging babaeng  nakasama niya
sa kanyang buhay, Ito ay sina Liza Lorena mula 1963 hanggang 1964, Pilita
Corrales mula 1968 hanggang 1972 at si Annabelle Rama mula naman noong 1980.

Mula sa kanyang tatlong naging asawa ay
nagkaroon siya ng 8 anak. Pito ang lalaki at isa lamang ang kanyang naging anak
na babae. Ngayon mga kasama ay isa-isang at kilalanin natin ang mga anak ni
Eddie Gutierrez.

1. Tonton Gutierrez

Si Tonton ang panganay na anak ni Eddie sa
una niyang naging asawa na si Liza Lorena. 
Si Tonton ay kilala rin bilang isang sikat na artista sa mga pelikulang
Pilipino. Naging leading man  siya ni
Sharon Cuneta sa pelikulang Sanay wala nang Wakas.

Nag star din sya sa mga pelikulang “Nakagapos na Puso,” “Kung Aagawin mo ang lahat sa
Akin,” “Pasan ko ang Daigdig,” “Alabok sa Ulap,” at “Saan Nagtatago ang
Pag-ibig.”

Asawa niya si Glydel Mercado
at naging anak nila sina Annyka at Annyza

2. Ramon Christoper Guttierez

Si Ramon Christoper ay anak naman ni Eddie
kay Pilita Corrales. Isa ring sikat na actor si Ramon Christopher at hanggang
ngayon ay aktibo sa kanyang karera sa showbiz industry. Ilan sa mga pelikula
niya ay Tiyanak, Bagets 2, Balasubas, at marami pang iba. Siya ang asawa ni
Lotlot De Leon at naging anak niya sina Janine, Diego, Jessica at Maxine.

3. Ruffa Gutierrez

Si Ruffa naman ang panganay na anak ni Eddie
kay Annabell Rama. Si Sharmaine Ruffa Gutierrez ay isang beauty queen, model,
host at artista.

Ipinanganak noong Hunyo 24, 1974. Ilan sa mga
pelikula at palabas niya sa TV ay Buzz ng Bayan, My Monster Mom, Boy, Girl,
Bakla, Tomboy at iba pa. Naging anak naman niya sina Lorin at Venice.

Sinasabing maaring maging future beauty queen
din daw itong si Lorin dahil sa ganda at hugis ng katawan.

4. Rocky Gutierrez

Nakilala si Rocky sa kanyang mga pelikulang
Patient X at Takbo Bilis Takbo. Napabalita din noong 2018 na isa sya sa mga
international distributor ng Hokkaido Tracks Resort Properties na matatagpuan
sa Japan. Ang Hokkaido Tracks ay na-establish noong
2003 ng tatlong passionate skiers na kinilala na ang Niseko ang isa sa world’s
great undiscovered ski resorts.

5. Elvis Gutierrez

Si elvis ay ipinanganak sa estados unidos.
Nakilala rin sya sa pagganap  sa mga
pelikulang Joaquin Bordad , kamandag at Ipaglaban mo.


6. Richard Gutierrez

Nakilala si Richard sa
pagganap bilang Aguiluz sa pantasyang teleserye na Mulawin, fantastica, my lady
boss at Laluna sangre. Kilala si Richard bilang magaling na actor. Sa
kasalukuyan ay kasal siya kay Sarah Lahbati at may dalawa na silang anak.

7. Raymund Gutierrez

Si Raymond Gutierrez ay ang
kakambal ni Richard Gutierrez. Isa rin siyang popular na aktor. Ilan sa mga
pelikula niya ay Takbo Bilis Takbo, Kimmy Dora at Temple of Kiyeme.

 8. Ritchie Paul Gutierrez

Siya ang bunsong anak ni Eddie kay Annabelle.
Tatlongput taong gulang pa lamang si sa kasalukuyan. Naging bahagi rin si
Ritchie ng showbiz industry. Pinasok niya ang mundo ng musika.

Sana’y may maibahagi kami sa inyo. Kung
nagustuhan mo ang videong ito ay mag like at subscribe sa munting channel para
sa videong kahihiligan ninyo.

Salamat sa inyong panonood mga kasama.

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...