MGA ANAK NG HARI NG AGIMAT NA SI RAMON REVILLA SR







MGA NAGING ANAK NG
HARI NG AGIMAT NA SI RAMON REVILLA SR


Si
José Acuña Bautista Sr., na mas kilala bilang Ramón Revilla Sr. o simpleng
Ramón Revilla, ay ipinangak noong Marso 8, 1927 at natapos ang kanyang takbuhin
sa buhay nitong Hunyo 26, 2020. Siya ay isang kilalang aktor ng mga Pelikulang Pilipino
at nagsilbi ring Senador ng Republika ng Pilipinas.

Kilala
siya bilang "Hari ng Agimat" sa mga pelikulang Pilipino. Kilala sya
sa pagganap ng mga karakter nina Pepeng Agimat at Nardong Putik.

Noong
November 2011, ang writer na si Portia Ilagan ay isiniwalat sa isang panayam sa
ABS-CBN na ang actor na si Ramon Revilla Sr. ay mayroong 72 mga anak mula sa 16
na iba’t-ibang babae. Dagdag pa ni Portia na 38 lamang ang naaalala umano ni
Ramon Revilla Sr. na nagdadala ng kanyang pangalan.

Samantala,
noong 2008 sa isang panayam sa PEP.ph ay kinumpirma ng isa sa mga anak ni Ramon
Revilla na si Rowena Bautista Mendiola at sinabing 45 silang lahat ay mayroon
daw anya siyang listahan sa mga ito.

Ngayon
mga kasama ay kilalanin natin ang ilan sa mga kilalang anak ng hari ng Agimat.

1.
Bong Revilla
       Si Bong ay isang kilalang Aktor at
Senador sa ating bansa. Ipinangak sya noong September 25, 1966.

2.
Ram Revilla
Si
Ram ay isa ring aktor at nakilala sa pagganap bilang Jeff Gatdula sa pelikulang
Tonyong Bayawak. Pinatay si Ram noong Oktubre 28, 2011.

3.
Ramon Joseph Bautista
Si RJ
ay inakusahan noon bilang isa sa mga nasa likod ng pag paslang sa kanyang
kapatid na si Ramgen. Noong nakaraang taon ay na acquit siya sa kaso dahil sa
kawalan ng matibay na ebedinsya.

4.
Andrea M. Bautista
Si
Andrea ay isang artista at producer na nakilala sa mga  pelikulang Dang-Dong noong 1980, Tropang
Bulilit noong 1981 at Resikulo noong 2007.,

5.
Strike Bautista
Sa
edad ng 25 ay pinasok na si Strike and mundo ng politika. Dati syang naging
Mayor ng Bacoor. Na appoint din sya bilang isa sa mga members ng PCSO board of
directors  noong 2005 ng dating Pangulong
Gloria Makapagal Arroyo.

6.
Ramona Belen Bautista
Si
Ramona ang isa pa sa mga nasangkot na anak sa pagpanaw ni Ram. Sa kasagsagan ng
mga pangyayari noon ay umalis ng bansa si Ramona at nagtago di umano sa Turkey
sa edad na 22.

7.
Marion Bautista
Si
Marlon ay isang producer na nakilala sa mga pelikulang Bertud ng Putik noong
2003, Hulihin si Tiagong Akyat noong 1973 at APO:Kingpin ng Maynila noong 1990.

8.
Evelyn Bautista
Si
Evelyn ang asawa ng kilalang PBA Legend at Dating sinador na si Robert
Jaworski. Siya ang panganay na anak ni Ramon Revilla Sr.

9.
Rebecca Bautista Ocampo
Siya
ay kilala bilang si Princess Revilla. Isa syang dating actress. Noong 2008 ay
sinampahan siya at ng kanyang asawa na si Dr. Gregorio Ocampo ng kaso ng isang
sa kanilang kasambahay dahil umano sa pambubugbog.

10.
Rowena Mendiola
Siya
ay isa ring aktres at producer ng mga pelikulang Resiklo noong 2007, Bertud ng
Putik noong 2003 at Ang Panday noong 2009. Nagsilbi rin sya bilang isang
Sangguniang Panlungsod ng Syudad ng Bacoor.

11.
Ragelyn Gail Mendiola
Si
Gail ay isa rin sa mga sinampahan ng kaso 
noon ni Ramgen.

Narito
pa ang 7 na wala masyadong impormasyon na makukuha sa internet dahil sa siguro
ay masyadong naging pribadi ang kanilang mga buhay.

12.
Raphael Julius Bautista
13.
Reuben Jesse Bautista
14.
Abigail Bautista
15.
Ram Joshua Bautista
16. Ramlyn
Gabrielle Bautista
17. Dianne
Bautista
18.
Ragene Anne Bautista

Yan
nga mga kasama ang 18 lamang sa mga naging anak ni Pepeng Agimat. Ang karamihan
sa kanyang mga naging anak ay pribado ang naging buhay. Kung totoo man na
umabot ng 45 ang anak ni Pepeng Agimat ay talaga ngang hawak nya ang tunay na
anting-anting na nagpa-ibig sa 16 na babae.

Bagaman
kamangha-mangha ay mismong si Pepeng Agimat na ang nagsabi na hindi ito dapat
ipagmalaki.

Salamat
kasama sa inyong panood. Magsubscribe na sa aming munting channel kung di ka pa
nakapagsusubscribe upang lagi kang una sa mga ganitong klaseng video.

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...