PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA


KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA

 

Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa kanyang pagiging actor at politico sa ating bansa.

 

Dahil sa kanyang impluwensiya ay madali para kay erap ang maging Presidente sa ating bansa. Ginamit ni Erap ang simpatiya ng mga mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng kanyang popular na islogan noong tumakbo siya bilang Presidente.

 

Dahil sa kanyang charisma at taglay na kayamanan ay marami siyang mga babaeng napaibig. Narito at kilalanin natin ang pitong babaeng minahal ni Erap Estrada.

 

1. Dr. Luisa Loi Pimentel       

Si Dr. Luisa Pimentel Estrada o mas kilala bilang si Loi ay isang Filipino Politician at physician. Nanungkulan siya bilang Senador sa ating bansa noong 2001 hanggang 2007. Si Loi ang ina ng mga sikat na actor at politiko na sina Jinggoy at  Jude Ejercito. Nagpakasal sina Loi at Erap noong 1959. Si Loi ay nasa 94 taong gulang na sa kasalukuyan.

 

 

2. Peachy Osorio

Si Peach Osorio ay isa sa mga mistress ni Erap Estrada. Mula sa pagmamahalan nilang dalawa ay nagkaroon sila ng anak na si Jojo Ejercito. Isa siya sa mga Shareholders ng Gomez company na may milyon milyong shares mula rito. May isa pang anak na babae si Erap at Peach ito ay si Tetchie Ejercito.

 

3. Mayor Guia Gomez

Si Mayor Guia Gomez at kasalukuyang Mayor ng San Juan City. Nagkaroon ng relasyon sina Erap at Mayor Guia. Ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga ng isang anak na lalaki sa katauhan naman ni JV Ejercito na kilala ring politico sa ating bansa.

 

4. Laarni Enriquez

Si Laarni Enriquiz ay isang aktres sa ating bansa. Ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga ng tatlong anak. Ito ay sina Jake Ejercity, Jerika Ejercito at Jacob Ejercito.

 

5. Joy Melendrez

 

Si Joy Meledrez ay isa pa sa mga mistress ng dating Pangulong Erap Estrada. Siya ay sinasabing nagmamay-ari ng isang duty-free shop. Sinasabing nanirahan siya sa Greenmeadows sa Quezon City mula Alabang. Nagkakahalaga umano ng 38 million pesos ang bahay na kanyang tinirhan. Nagkaroon din sila ng isang anak na lalaki na nagngangalang Jose Mari Ejercito.

 

 

6. Mary Ann Murphy

Siya ay isa ring dating aktres. Isa rin si Mary Ann Murphy sa mga mistres ni Erap at nagkaroon sila ng isang anak na babae na si Joan Ejercito

 

7. Rowena Lopez

 

Si Rowena naman ay isang Flight Attendant. Isa rin siya sa mga mistres ni Erap at nagkaroon din sila ng anak sa katauhan naman ni Jason Estrada.

 

Mukhang marami pang mga babae ang hindi pa hayagang nagpapakilala bilang mistress o nakarelasyon ni Erap. Maaring marami pang lumabas lalo na’t hindi rin pangkaraniwan ang tinataglay na kayaman ng Erap Estrada na maaring magpabago ng buhay ng isang tao.

 

Kung nagustuhan mo ang videong ito. Hinihiling kong magsubscribe ka kaibigan. Panoorin din ang iba pa naming mga videos sa aming mga playlist. Salamat mga kasama!


KILALANIN ANG MGA NAPAKA CUTE NA ANAK NI DINGDOGN DANTES


Isa ang mag-asawang Dingdong Dantes and Marian Rivera sa mga hinahangaang mag-asawa sa Showbiz Industry dahil sa kanilang maayos na pagsasama at pag-iwas sa mga isyung maaring makasira sa kaniang pagsasama bilang pamilya.

 


Bagaman napaka busy ni Dingdogn Dantes sa mga kabikabilang proyekting kanyang natatanggap ay isang blessing ito anya para sa kanya, sa kanyang pamilya at para sa kanyang mga manonood.

 

Nakilala si Dingdong Dantes noong maagang bahagi ng 2000 kung saan naging co-star niya si Tanya Garcia sa mga drama series na Sana ay Ikaw na Nga at Twin Hearts. Mas lalong naging sikat sikat si Dingdong sa mga manonoog noong maging co-star niya ang kasalukuyan niyang asawang si Marian Rivera na nooy sikat na sikat dahil sa kanyang palabas sa telebisyon na Marimar.

 

Matapos na makagawa ng mga proyeto ang mag love team at real life couple noon na sina Dingdong at Marian tuluyan na nga silang naging mag-asawa. Taong 2014 ay nagpakasal ang dalawa at ngayon nga ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan.

 

Dalawa pa lang sa kasalukuyan ang anak nina Dingdong at Marian. Sa videong ito ay kilalanin natin sila.


1. Maria Letizia

 

Si Maria Letizia o si Zia ay ipinanganak ni Marian noong November 23, 2015. Siya ay mag sisiyam na taong gulang na sa darating na Nobyembre.

 

Napaka cute talaga at napaka ganda ni Zia. Talentado rin si Zia dahil bata pa lamang ito ay marunong nang kumanta at magkaskas ng gitara. Gaya ng nasa videong ito.

 

Anim na taon pa lamang nito si Zia kung kaya’t kahanga hanga talaga ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang.


2. Jose Sixto


Kuhang kuha rin ni sixto ang genes ng kanyang mga magulang na talagang bata palang ay kakikitaan mo na ng napaka poging mukha. Tila maraming mga babaeng mapapaibig ni sixto kung ito ay lumaki na. Si Sixto ang bunsong anak ni Dingdong at Marian sa kasalukuyan. Limang taon na ngayon si Sixto sa kasalukuyan.


Ang tagumpay na inani at patuloy na inaani ng mag-asawa ang nagpapatunay na ang kanilang mabuting hangarin para sa kanilang pamilya at para sa kanilang mga tagahanga at tunay, puro at totoo.

 

Maraming Salamat sa pagsubaybay mo sa mga video na aming ibinabahagi. Nawa ay patuloy naming kayong makasama sa mga susunod pa naming mga video. Paki share po sa inyong mga kaibigan at magsubscribe na rin sa aming munting channel. Maraming Salamat sa iyo aming kaibigan!

 

 


GAANO NA NGA BA KAYAMAN SI PAOLO DUTERTE?


GAANO NG KAYAMAN SI PAOLO DUTERTE

 

Si Pailo “Pulong” Zimmerman Duterte ay ipinanganak noon March 24, 1975. Nagtapos siya sa University of Mindanao ng Banking and Finance noong 2002 at sa University of Southeastern Philippines ng Masters degree in Public Administration noong 2009. Nag-aral naman siya ng kanyang Doctoral Degree in Public Administration sa Lyceum Nothwestern University noong 2015.

 

Naging laman ng malalaking balita si Paolo Duterter dahil sa pagpaparatang sa kanya bilang myembro ng triad na malaking sindikato na may kinalaman sa drug smuggling sa bansa. Ang kanyang dragon like tattoo anya ang nagpapatunay nito ayon pa kay Trillanes.

 

Sa isang interview sa kanyang kapatid at kasalukuyang Vice president ng bansa ay sinabi ni VP Sara na may malaking spike sa kayamanan ni Paolo at di mapaniwalaang paglago ng kanyang pera sa panahong ito ay nanunungkulan.

 

Noong 2007 ay nagdeklara si Paolo ng 8.34 Million worth of assets. Naging 10.83 million naman ito noong 2008. Noong 2017 ay umabot na sa 27.74 million ang itinaas ng SALN ni Paolo na ikinagulat halos ng lahat dahil sa kumikita lang naman siya ng higit sa 300,000 pesos bawat taon.

 

Ngayon ay marami ang nagtatanong kung anu-anu na nga ba ang mga ari-arian ni Paolo Duterte at kung magkano na ang kanyang Networth sa kasalukuyan malalipas ang pitong taon.

 

Sa daratin na eleksiyon sa bansa ay sinabi ni VP Sara na tatakbong senador sina dating Pangulong Digong at ang kanyang kapatid na si Paolo Duterte. Sa panahong ito ay muling maglalabas ng kanikanilang mga SALN ang bawat kandidato kung kaya’t malalaman muli ng publiko kung gaaano na nga ba kayaman si Paolo Duterte.


GAANO NA BA KAYAMAN SI EDDIE GUTIERREZ


EDDIE GUTIERREZ GAANO NGA BA KAYAMAN

 

Isa sa mga primyadong actor sa ating bansa si Eddie. Isa siya sa mga matinee idol noong kanyang kapanahunan. Ang kanyagn karera sa showbiz industry ay nagsimula pa noong 1950s sa palabas na Batas ng Alipin. Ikinasal siya kay Annabelle Rama noong November 8, 1980 kung saan nagkaroon siya ng anim na anak. Ito ay sina Ruffa, Rocky, Elvis, Richard, Raymund at Ritchie Paul na pawang mga matatagumpay rin sa buhay.

 

Umani ng maraming mga papuri ang mga nagawang pelikula ni Eddie kaya’t ang tagumpay niya ay hindi rin mabilang maging ang mga tinatangkilik niyang kayamanan ay pawang wala na ring mapagsidlan.

 

Dagdag pa rito ay ang mga inaning tagumpay rin ng kanyagn asawang si Annabelle Rama na matagumpay rin sa showbiz industry.

 

Matapos siyang gumawa ng maraming mga pelikula at kumite ng milyon milyon mula dekada 50 hangggang 60 ay nanirahan muna si Eddie at ng kanyang pamilya sa Unites State at doon ay nagbuhay hari.

 

Noong dekada 70 ay muling bumalik ng bansa upang ipagpatuloy ang kanyang pagiging actor. Maging sa katatapos pa lamang ng palabas pantelebisyon ng Black Rider ay naroon siya bilang si Don Alejandro. Ang Huling pelikulang nagawa niya ay ang Felix Manalo bilang si Pastor Victoriano Manalo.

 

Dahil sa tagumpay sa buhay ni Eddie ay marami ang nagtatanong kung gaano na nga ba kayaman ang actor at kung ano anu na ang kanyang mga naipundar na ari-arian. Sa videong ito mga kasama ay alamin natin ang mga kayamanang naipundar ni Eddie.

 

1.  Mansion sa Quezon City

 

Noong 1987 ay bumili ang mag-asawa ng isang mansion na may sukat na 660sqm. Kulay puti ang pinta ng bahay na nagdadagdag ng kagandahan nito. Sa tulong ng interior designer na si Jeizele delos Reyes Go ay mas lalong gumanda ang kanilang nabilang mansion. Isang simply, malinis ay may minimalist look na talagang mapapahanga kang tunay.

 

2. Multiple Cars

Nagmay-ari rin si Eddie ng iba’t ibang sasakyan gaya ng maraming mga actor. Subalit ang isa sa mga lubos na pinahalagahan at minahal ni Eddie ay ang regalo sa kanya ng kanyang anak na si Richard noong ito ay magdiwang ng kanyang kaarawan.

 

3. Million Networth

 

Maliban sa mga magagarang sasakyan at mamahaling mansion ay tinatayang milyon milyon din ang kabuuang halaga ng mga savings account ng actor maliban pa rito ang kanyang mga negosyo na hinahawakan.

 

Masyadong nakatago ang kayamanang tinatangkiling ng mga Guttirez kaya ilan lamang ito sa mga kayamanang pinaniniwalaang pinagmamay-arian nila.

 


DINGDONG AVANZADO HUMIHIRIT NG ISA PA


DINGDONG AVANZADO HUMIRIT NG ISA PA

 

Si Fernando Dingdong Veloso Avanzado ay isinilang noong July 7, 1968. Siya ay isang Singer, actor, politico at TV host sa ating bansa. Tinagurian siyang Philippine’s Original Prince of Pop.

 

Anak siya nina Fernado Avanzado Sr. at Carina Flores na mayor ng Oton, Iloilo.

 

Noong 1998 ay naupo siya bilang city councilor ng 3rd district ng Quezon city. Sa loob ng tatlong taon ay nagawa niyang maging City of Stars and Quezon City kung saan ipinakita niya ang mga major film networks of film and music industry para e boost ang turismo.

 

Si Richelle Ann Mallari Loyola Avanzado na mas kilala natin bilang si Jessa Zaragoza ang kanyang napangasawa. Si Jessa ay isa ring kilalang actress, commercial model at singer sa ating bansa. Tinagurian siyang Phenomenal Diva at Juxebox Queen of the 90s dahil sa kanyang unang album na Just Can’t Help Feelin na kung saan sumikat ang kanyang kantang Bakit Pa?

 

Mayroon nag-iisang anak na babae ang mag-asawa ito ay ang actress-singer na si Jayda na ipinanganak noon June 1, 2003.

Baga man mayroon na anyang edad si Jessa at dalaga na rin ang kanilang nag-iisang anak na babae ay humihirit pa ng isang anak si Dingdong Avanzado.

 

Kung si Jessa ang tatanungin ay ayaw na niya angyang mabuntis pa ulit dahil feeling niya ay hindi na kaya ng kanyang katawan managanak.

 

Inamin din niya na nagka trauma siya nang makunan siya sa pangalawa sana nilang anak ni Dingdong pitong taon narin ang nakakaraan.

 

Pahayag ni Jessa sa isang presscon interview.

 

Unang una, alam naming mahirap talaga ang maraming anak, lalo na nung palipat-lipat kami. Sabi ko nga san ba talaga tayo nakatira? Ang hirap, so kami ni Dingdong parang next year na lang, next year nalang, hangang sa 45 na ang lola niyo. So parang hindi ko na rin kaya, Hindi na keribels.

 

Sumingit naman si Dingdong “ Kaya pa yan. Hindi honestly kasi, a few years back, we suffered miscarriage, so hindi natuloy.”

 

Mukhang talagang disidido pa si Dingdong na makagawa ng isan pang anak. Anong masasabi niyo mga kasama sa hirit na ito ni Dingdong? Comment your reaction below.

 


6 NA MAHALAGANG BABAE SA BUHAY NI ROMMEL PADILLA

Isa sa Rommel Padilla sa mga hinangaan na actor noong dekada 90. Kapatid siya ng actor na si Robin Padilla na kasalukuyang senador sa ating bansa.



Maliban sa pagiging isang magaling na actor sa mga pelikulang kanyang nagawa gaya ng Mistah, Totoy Golem, at Ang Kilabot at si Miss Pakipot, ay isa rin siyang businessman, politician at movie producer.

 

Sa videong ito mga kasama ay kilalanin natin ang mga mahahalagang babae sa buhay ni Rommel Padilla.


1.  Jean Garcia

 


Si Jean Garcia ay nagging girlfriend noon ni Rommel Padilla. Si Jean at ang in ani Rommel na si Eva Carino ang magkasama noon na nag pyansa sa paglaya ni Rommel dahil sa kasong illegal position of firearm. Nahuli si Rommel noong October 27, 1996 sa Ortigas Avenue Extension nang lumabas ito sa sasakyan niya para tulungan ang kaibigang si Frederick Luna nang mahulihan ito ng caliber 45 at marijuana.

 

Si Jean Garica ay isa ring kilalang actress ngayon sa ating bansa.

 

2. Karla Estrada

 


Si Karla Estrada ay ikinasal kay Rommel at ang utol niyang si Robin ang nagkasal sa kanila. Ginawa ito ni Robin bilang isang Muslim kung saan mayroon itong karapatang magkasal sa mga katulad niyang muslim. Si Rommel ay isa ring Muslim.

Ang Sikat na actor na si Daniel Padilla ay anak ni Karla at Rommel.


3. Anabelle Antonio

 


Si Anabelle ay asawa rin ni Rommel. Siya ay nagkaroon ng tatlong anak sa actor na si Rommel Padilla. Ito ay sina RJ, Matt at Roanna.

Nagtrabaho noon si Anabelle sa Japan bilang bassist.

 

4.   Cha Padilla


Si Cha Padilla ang kasalukyang kinakasama ni Rommel Padilla at mayroon na rin silang dalawang anak ito ay sina Aryana at Arize.

 5. Roanna














Ang 31 taong gulang na si Roanna bagaman ay hindi pinasok ang mundo ng showbiz ay popular na rin sa karamihan dahil mayroon lang naman siyang higit sa 94,000 followers sa kanyang Instagram. Hilig niya ang photo blogging at posting sa kanyang Instagram.

 

6. Aryana Padilla










Napaka cute na bata itong si Aryana. Siya ay anak na babae ni Rommel sa kasalukuyang kinakasama. May sarilign Instagram channel si Aryanna kung saan mayroon na siyang higit sa 3400 followers.


KILALANIN ANG MGA ANAK NI NADIA MOTENEGRO


KILALANIN ANG MGA ANAK NI NADIA MONTENEGRO

 

Isa si Nadia Montenegro sa mga sumikat na actress noong kanyang kapanahunan. Nakasama siya sa mga pelikulang Sandakot na Bala noong 1988, Dyesebel noong 1990 at nakasama rin siya sa Ang Probinsyano noong 2015.

 

Nakasama rin siya bilang character actress sa mga palabas pantelebisyon na Ipaglaban Mo at Maalaala mo Kaya. Ginampanan rin niya ang papel ni Filomena Mondejar sa TV show na Maria Mercedes.

 

Unang nakilala siya sa 1984 film na Tender Age. Isa siya sa may pinakamaraming nagawang pelikula noong 1988 kung saan umaabot ito sa pito sa taon lamang na iyon.

 

Ikinasal siya kay Boy Asistio at nagsama silang dalawa hanggang sa pumanaw ito noong 2017.

 

Isa sa mga batikang aktres na nakasama niya ay sina Snooky Serna sa 1988 film na Needs 5 Ratings Lord at Bakit Ako Pa?

 

Marami ang nagulat dahil sa umabot sa walo ang mga anak nina Nadia at Boy. Sa videong ito ay kilalanin natin sila

1. Alyssa Assandra

 

Si Alyssa Assandra o si Ysa ang panganay na anak ni Nadia. Nagtapos ng ng Doctor of Dental Medicine sa Centro Escolar University. Siya ay mayroon nang asawa na si Mac London. Madalas siyang magpost sa social media kasama ang kanyang pamilya.

 

2. Alynna Alexandria

Si Alynna Alexandra o mas kilala sa kanilang pamilya bilang si Ynna ay nagtapos sa CEU at nagtapos ng Mass Communication Major in Broadcasting. Sinundan niya ang yapak ng kanyang ina dahil pinasok niya ang showbiz industry noong 2006. Lumalabas parin siya sa telebisyon at mayroon ding sariling vlog.

 

Naging bahagi si Yna ng mga palabas na Mga Mata ni Anghelita, La Vendetta, Reel Love, Tween Hearts, Maria Mercedes, On the Wings of Love, FPJs Ang Probinsyano at Ang Daigdig Koy Ikaw.

 

Naugnay si Ynna kay Mark Herras at Derek Ramsay.

 

3. Alyana Alissandra

 

Isa ring aktres ni Alyanna o Yana. Lumabas siya sa mga pelabas na Wagas at the World Between Us. Maging sa palabas na Just he 3 of Us at She’s Dating the Gangster.

 

Nagtapos si Yna ng Culinary Arts sa International School for Culinary Arts ang Hotel Management.

 

4. Anykka Allandra

 

Katulad din ng kanyang ina at kapatid ay aktibo rin si Annyka sa showbiz industry katunayan ay nakasama siya sa palabas na 100 Tula para kay Stella, Amnesia Love at Indak. Nagtapos naman si Anykka ng Political Science degree sa CEU.

 

5. Antonio Alexander

 

Si Antonio ang nag-iisang anak na lalaki ni Nadia. Nagtapos siya ng Political Science sa Far Eastern University. Basketball at biking ang kanyang gusting sports. Mahilig rin siyang kumanta at mag travel.

 

6. Samantha Grace

 

Si Samantha ay mahilig sa musika. May kakayahan siyang tumugtog ng gitara at Ukelele. Mahilig rin siyang magsulat ng kanta. Sinubukan ni Samantha na sumali sa The Voice Teens noong 2017 kung saan kinanta niya ang awiting Huwag Ka Nang Umiyak.

 

7.  Ayisha

 

Ang isa pang anak ni Nadia ay sina Ayisha.

 

Sa isang interview kay Nadia noon ay sinabi nitong nagkaroon ng mental health problem si Ayisha subalit napagtagumpayan naman niya ito.

8. Sophia

Nagtataglay ng pambihirang kagandahan si Sophia. Isa rin siya marahil sa mga sisikat na actress balang araw kung naisin nitong pumasok sa showbiz industry.

 


Alexa Rumisbak sa Isang Basher na Nagsabing may Off Siya sa Katawan


Alexa rumesbak sa nagsabing ‘Ang ganda mo pero may off sa katawan mo’

Nakipagbardagulan ang Kapamilya actress na si Alexa Ilacad sa isang laiterang netizen na pumuna sa kanyang itsura at katawan.

Ibinahagi ng dalaga sa Instagram ang screenshot ng sagutan nila ng isang body-shamer sa social media pero nang i-check namin ito ay burado na ang mga komento ng netizen sa kanyang social media account.

Pambabarag ng basher kay Alexa, “Ang ganda mo pero may something talaga sa katawan mo na mejo off.”

Hindi ito pinalampas ng Kapamilya star at talagang pinatulan ang netizen, “2024 na pero hindi ka parin aware na our bodies come in different shapes, sizes, and proportions? I’d suggest you to hit the books before making comments that are very… ‘off.'”

Hindi naman nagpasindak ang basher sa aktres at rumesbak uli. Dapat daw ay huwag nang mag-aartista ang dalaga kung hindi nito kayang tanggapin ang mga kritisismo sa kanya.

“2024 na pero mukhang ang gusto mo lang na comment ay yung hindi ‘off’ para sayo? Dapat hindi ka nag artista if you can’t stomach the truth,” sabi ng netizen.

Banat naman sa kanya ni Alexa, “What a dumb argument. Me being a celebrity doesn’t give you a free pass to be rude.”

Dagdag pa niya “Last time I checked, ang trabaho ko po bilang artista ay umarte, kumanta,sumayaw minsan, at magpasaya ng tao. (Which i love doing).

“But it isn’t part of my job description to tolerate rude comments like this. Constructive criticism- I accept with an open heart, but this? Nah. Such a toxic mindset,” sey pa niya.


Matatandaang ipinagtanggol pa noon si Alexa ng ka-loveteam niyang si KD Estrada laban sa isa ring body-shamer na nagkomento ng, “Gasul ka ghorl @alexailaxad.”

Resbak ni KD sa basher, “Kapal ng mukha neto ganda ka?”
Anong masasabi niyo dito mga kasama?

KILALANIN SI ALLEN DIZON AT ANG KANYANG MGA ANAK


KILALANIN SI ALLEN DIZON AT ANG KANYANG MGA ANAK


Si Allen Dizon ay isinilang noong Octobre 03, 1975. Siya ay isang kilalang actor at producer ng mga pelikula sa ating bansa. Dati siyang myembro ng Viva Hot men. Mula sa mga daring role sa palabas ay unti-unti siyang naging isang independent film actor at producer.


Noong 2007 ay nanalo siya bilang Best Supporting Actor ng FAMAS Award at Star Award for Movies sa pelikulang Twilight Dancers. Ang mga pelikulang nagawa ni Allez ay ang Dukot noong 2009, Sigaw noong 2010, Patikul noong 2011, Deadline at Migrante naman noong 2012.


Noong 2021 naman ay lumabas siya sa mga drama anthology ng GMA Network gaya ng First Yaya at Agimat ng Agila. Noong 2022 ay nakasama siya sa top billing TV Series na Return to Paradise kasama sina Eula Vladez, Derrick Monasterio at Elle Villanueva.


SI Crystal Dizon ang asawa ni Allen. Siya ang high school sweetheart ng actor at mahigt sa dalawang dekada na silang kasal.


Sa isang interview kay Allen ay sinabi nitong High School pa lang umano sila noon ay siya na ang gusto niyang pakasalan. Apat ang anak nina Allen at Crystal. Narito’t kilalanin natin sila


1. Nella Marie Dizon

Si Nelia Marie ay nasa 20 taong gulang na. Siya ay kakikitaan ng pagiging isang beauty queen. Marami ang mga nagsasabi na pweding pwedi siyang maging artista gaya ng kanyang ama. Subalit ang hilig ng dalaga ay napunta sa pagsali sa mga beauty pageant. Noong nakaraang taon ay nanalo si Nella bilang Mutya ng San Fernando. Proud naman sa kanyan ang kanyang mga magulang.



2. Felixia Crysten Dizon

Ang isa pang anak na babae ni Allen ay si Felixia. Tila sinusundan ni Felixia ang yapak ng kanyang ama sa pagiging actor katunayan ay kinilala rin si Felixia bilang isang promising Newcomer artist of the year noong Pebrero nang nakaraang taon. Kasakasama ni Allen ang kanyang anak sa lang events ng actor gaya ng premiere night ng pelikula niyang Oras De Peligro.



3. Lucas


Si Lucas naman ay ang nag-iisang anak na lalaki ni Allen. Siya ay nasa labinlimang taong gulang na sa kasalukuyan. Naeenjoy din ni Lucas na makasama ang kanyang pamilya sa kanilang pagtatravel sa ibang bansa gaya ng pagpunta nila sa Vietnam.


May isa pang anak na babae si Allen. Ito ang kanyang bunsong anak na game na game rin sa palagi nilang pagtatravel sa iba’t-ibang bansa.


Kung nagustuhan mo ang videong ito ay inaanyayahan po kitang mga subscribe para sa mga videong gaya nito na tiyang magugustuhan mong panoorin. Salamat mga kasam.

KILALANIN ANG NATIN SI ALFRED VARGAS AT ANG KANYANG MGA ANAK


KILALANIN SI ALFRED VARGAS AT ANG KANYANG MGA ANAK

 

Si Alfredo Paolo Dumlao Vargas III ay isinilang noong October 24, 1979. Siya ay kilalang politico, actor, at modelo. Kasalulukyan siyang councilot ng Quezon City mula noong 2022. Dati siyang nanilbihan bilang city councilor sa ikalawa distrito mula 2010 hanggang 2013. Nanilbihan naman siya bilang representative mula 2013 hanggang 2022.

 

Nagtapos si Alfred ng AB Management Economics sa Ateneo de Manila University at ng kanyang graduate studies sa University of the Philippines Diliman kung saan nakakuha siya ng ilang units sa kanyang master’s degree in Public Administration.

 

Bilang actor nagsimula siyang sa ABS CBN Star Magic acting workshop. Nakasama siya sa batch 10. Mula doon ay nagbigayan siya ng mga TV roles gaya ng sa soap opera na Pangako Sayo. Subalit bago paman niya pinasok ang paggawa ng pelikula ay isa na siyang theater actor at frontman ng kanyang banda na Privado.

 

Higit na nakilala siya sa kanyang pagganap sa Bridal Shower. Matapos ito ay lumikat siya ng GMA network kung saan nakasama siya sa tatlong palabas na Daissy Siete, Enantadia at Etheria.

 

Nakasama din siya sa mga palabas na Muli, Impostora, Dyesebel at Una kang Naging Akin. Maging sa palabas na Darna ay nakasama rin siya at sa soap opera an Kambal Karibal habang siya nagtatrabaho bilang representative.

 

Pinakasalan ni Alfred si Yasmin Espiritu noong 2010 at sa ngayon ay may roon na silang apat na anak. Narito’t kilalanin natin sila.

 

1.    Alexandra Milan E. Vargas

 

Si Alexandra ang panganay na anak ni Alfred. Kilala siya sa kanilang pamilya bilang si Ching Ching. Marami ang mga nagsasabi na parang anak siya ng koreana dahil sa ganda niyang pang Korean. Marami rin ang mga nagsasabi na pwedi siyang panlaban sa miss universe paglaki nito.

Si Ching Ching ay nasa 13 taong gulang na sa kasalukuyan. Swimming ang sport na nilalaro ni Ching Ching at noong nakaraang taon ay nakauwi siya ng tatlong medalya.

 

2.    Aryana Cassandra E. Vargas

 

Si Aryana ay ang ikalawang anak na babae ni Alfred. Siya ay nasa 11 taong gulang na sa kasalukuyan. Noodles ang paboritong pagkain ni Ayana. Noong pandemic ay namimiss ni Aryana ang kanyang mga friends at shopping kasama ang kanyang mommy.

 

Tahimik subalit madaldal. Ito ang paglalarawan ng kanyang amang si Alfres sa kanyang anak. Nang tanungin naman si Arya kung ano ang namana niya sa kanyang daddy Alfred ay maliban anya sa looks ay ang pagiging isang leader ang namana niyan rin sa kanyang daddy. Mahilig rin siya sa mga hayop gaya ng rabit at aso.

 

Dermatologist at pagmomodel ang nais ni arya sa kanyang paglaki. Payag din ang ama na maging artista ang kanyang mga anak dahil doon naman daw siya galing.

 

3.    Cristiano E. Vargas

Si Cristiano ang pangatlong anak ni Alfred. Maki daddy din anya si Cristiano gaya ng kanyang ate na si Aryana. Poging pogi rin si Cristiano gaya ng kanyang ama. Napakalambing na kapatid sa kanyang mga ate

 

4.    Aurora E. Vargas

Si Aurora ang kasalukuyang bunsong anak ni Alfred. Siya ay 5 months old na noong nakaraang Mayo.

 

Marami ang humahanga sa tela perpektong pamilya ng actor na si Alfred Vargas. Mula sa kanilang maayos na pamumuhay at mga magagandang mga anak ay tila wala ka na ngang hahanapin pa kundi ang araw araw na magpasalamat.

 

Kung nagsutuhan niyo ang videong ito ay inaanyayahan ko po kayong mag subscribe at paki like at share narin po sa inyong mga kaibigan. Salamat po ng marami mga kasama.


KILALANIN SI AJ DEE AT ANG KANYANG MGA ANAK


KILALANIN SI AJ DEE AT ANG KANYANG MGA ANAK.

 

Si Angel James Velasquez Dee III ay isinilang noong July 27, 1983. Siya ay mas nakilala natin bilang si AJ Dee, isang Filipino actor, model at swimmer.Kapatid siya ng sikat na actor na si Enchong Dee.

 

Noong siya ay nag-aaral pa lamang sa high school ay isa siya sa mga atleta na sumala sa palarong Pambansa at napili bilang isa sa Philippine swimming team na lumaban sa Hong Kong, Brunei, Singapore at Taiwan.

 

Dahil sa tikas ng kanyang katawan ay isa rin siya sa mga napiling sumali sa Mossimo Bikini Summit at sa The Fashiion Designer Association of the Philippines Body Shot Search model.

 

Naging co-host ng din siya ng isang variety shoe na MTB: Ang Saya Saya pagkatapos na siya ay maitanghal na runner up ng palabas na TV Idol UR D Man contest. Lumabas din si AJ sa Basta’t Kasama Kita at naging isa sa mga hosts ng regional variety show ng ABS CBN na Kilig Bicool.

 

Ang unang pelikulang nagawa ni AJ ay sa Dreamboy noong 2005. Sa parehong taon ay nakasama tin siya sa teleserye na Vietnam Rose at naging host ulit sa Wanna Buzza segment.

 

Noong 2014 ay nakasama rin siya sa palabas na Moon of Desire kung saan siya ang gumanap na half-wolf father ni Meg Imperial. Nakasama rin siya sa Bridges of Love at Pasion de Amor.

 

Maliban sap ag-arte at isa rin siyang model ng bench at maging sa TV commercial nito.

 

Nagtapos si AJ sa Naga Hope Christian School at kumuha ng Bachelor of Science in Business Management degree sa Ateneo de Naga University. Sa kasalukuyan ay nananinirahan si AJ sa Norway kasa ang kanyang Norwegian wife na si Olga Havran. Dalawa na ang mga anak ni AJ ito ay sina Maximus James at Alexandros Jayden.

 

Iniwan ni AJ ang showbiz industry noong 2016 nang mawala na siya sa limelight ng showbiz industry. Nanirahan siya at ng kanyang asawa at mga anak sa Norway. Doon ay nagsimula siya ng kanilang Longganisa business an siya at ng kanyang dalawa pang business partner ang mismong gumagawa.

 

Sa ngayon ay mayroon na tin siyang custom-made pants and suits business.

 

Hindi rin nalimutan ni AJ ang kanyang pinagmulang bansa sa gitna ng kanyang tagumpay sa ibang bansa. Katunayan nito ay nang bumalik siya ng ating bansa ay nagsagawa siya ng charity works sa National Children’s Hospital kung saan namahagi siya ng mga basic necessities gaya ng mga gamot facial masks, sanitizers, at pagkain.

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...