KILALANIN NATIN SI PRECIOUS LARA QUIGAMAN AT ANG KANYANG MGA ANAK



Si Precious Lara San Agustin Quigaman Alcaraz ay isinilang noong January 03, 1983. Siya ay isa sa mga kilalang aktres at multiproduct endorser sa ating bansa. Isa rin siyang beauty queen na nanalo ng Miss International 2005 na ginanap sa Tokyo Japan. Siya ang ikaapat na Filipina na nanalo ng nasabing korona.

 

SI Lara ang panganay sa apat magkakapatid. Lumaki si Lara sa Binan Laguna at sa Bahrain kung saan nagtrabaho ang kanyang ama. Matapos ang limang taon na pananatili sa Bahrain ay bumalik si Lara sa Laguna at tinapos niya ang kanyang pag-aaral sa high school sa La Consolacion College at nagtapos ng kanyang kolehiyo sa South Gloucestershine and Stroud College sa bansang England. Doon ay kumuha siya ng Media Production and Communication course.

 

Na engage si Lara sa kanyang boyfriend na si Marco Alcaraz noon 2010 at nagpakasal sila sa isang sreremonyang sibil noong January 1, 2011 sa Vancouver, Canada. Nagpakasal muli sila sa isang Christian ceremony sa Hacienda Isabela sa Tagaytay city noong July 08, 2012.

 


Nagkaroon ng tatlong anak si Lara.  Ito ay sina Noah, Tobin, at Moses. 

 

Si Noah ang panganay sa tatlong anak na lalaki ni Lara. Si Tobin naman ang ikalawa at si Moses ang kanilang bunso.

 

Aktibo si Noah sa kanyang Instagram account at mayroon na siyang halos lagpas na sa 20k followers.

 


KILALANIN NATIN SI TESSIE TOMAS AT ANG KANYANG ANAK



Si Tessie Tomas ay isang batikang actress sa ating bansa. Siya ay isa ring manunulat, stand up comedian at dating advertising executive. Nakilala siya nang siya ay maging bahagi ng RPN Sketch comedy shoe na Champoy at sa pagigign host ng ABS-CBN talk show na Teysi ng Tahanan.

 

1980 naman nang  siya ang kauna-unahang female creative director ng McCann Erickson Philippines.

 

Nakasama sin si Tessie Tomas sa mga sikat na pelikula gaya ng Kapitan Kidlat, Napakasakit Kuya Eddiem Pempi ni Sara at Pen. Maging sa mga palabas pantelebisyon ay hindi siya pinagsasawaan ng kanyang mga manunuod. Ilan sa mga palabas na kanyang nagawa ay  Haplos, Buena Familia, Kambal Sirena, The Blood Sisters at ngayon ginagampanan niya ang papel ni Dona Cielo Fierro sa pinag-uusapan at inaabangang Dirty Linen na pinagbibidahan ni Janine Gutierrez.

 

Si Roger Pullin ang kanyang asawa na isang marine biologist. 2019 ay napabalita noon ng piniling manirahan ni Tessie sa isang Island paradise kasama ang kanyang asawa at anak. Ang island paradise na ito ay tinawag na Islang of Man. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng Dublin sa Irelang at ng Liverpool na hometown ng Beatles.

 

Ngunit sa kanyang pagbabalik ngayon sa showbiz industry ay tila ginulat ni Tessie ang lahat sa kanyang walang kupas na galing sa pag-arte. Si Tessie at Roger ay biniyayaan ng isang anak na lalaki. Ito ay si Robin. Si Robin ay isang fashion designer na nakabase sa New York.

 

Kung may nais kayong malaman sa mga anak ng inyong paboritong artista ay I comment lamang yan sa ibaba.

KILALANIN NATIN SI SUNSHINE DIZON AT ANG KANYANG MGA ANAK

KILALANIN NATIN SI SUNSHINE DIZON AT ANG KANYANG MGA ANAK

 

Si Margaret Sunshine Dizon ay isinilang noongJuly 3, 1983. Siya ay isang sikat na aktres sa ating bansa. Isa rin siyang director at producer. Tinawag siya ng kanyang mga tagahanga bilang Daytime Drama Queen dahil sa kanyang husay sap ag-arte.

 

Bata pa lamang si Sunshine Dizon ay nagawaran na siya ng FAMAS Award noong 1995. 2017 naman ay nanalo siya ng Gawad Amerika Awar dahil sa kanyang napakagaling na paggaa sa Ika-6 na Utos. Noong 2019 naman ay pinarangalan siya ng PMPC Star Award bilang TV Queens at the Turn of the Millennium.”

 

Ilan sa mga di malilimutang mga palabas na nagawa niya ay ang Encantadia, Impostra, at Bakekang.

 

Ikinasal si Sunshine Dizon noong 2010 sa isang businessman na si Timothy Tan ngunit nagkahiwalay sila matapos ang anim na taon dahil sa nalaman niyang mayroong ibang babae ang kanyang asawa.

Nagkaroon si Sunshine Dizon  ng dalawang anak. Isang lalaki at isang babae. Ito ay sina Anton Tan at Doreen Tan.

 

 

Si Doreen ay ang napaka cute na anak ni Sunshine na madalas niyang tawaging China Doll dahil sa mukha itong manika. Ngayon ay hindi na China doll ang tawag ni Sunshine sa kanyang anak na babae kundi isa nang Korean Doll.

 

Si Anton naman ay nagdiwang ng kanyang kaarawan noong nakaraang Hunyo 2022. Isang mabait at mapagmahal na bata si Anton sa kanyang mga magulang, lolo at lola.

 

KILALANIN NATIN SI ANGELU DE LEON AT ANG KANYANG MGA ANAK


 

Si Angelu de Leon-Rivera o Maria Luisa Angela Martinez de Leon ay isang sikat na aktres sa ating bansa. Siya ay ipinanganak noon Hulyo 22, 1979. Ang kauna-unahang palabas ni Angelu ay ang "Ang TV kasama niya sina Claudine Barretto, at Jolina Magdangal.

Siya ay isa sa mga nakasama sa palabas pantelibisyon na "T.G.I.S". Pumatok sa masa ang tambalang Angelu-Bobby sa nasabing programa kaya’t nasundan ito ng mga pelikula gaya ng Laging Naroon Ka, Wala Na Bang Pag-Ibig, Ikaw Na Sana na naging Teleserye, at Ang Lahat ng Ito'y Para Sayo, na tumalo sa tambalang Judy Ann Santos at Wowie De Guzman.

 Ngunit nagulat ang marami niyang tagahanga ng napabalitang buntis ang Aktress sa aktor na si Joko Diaz naging kontrobersiyal ang balita. Pagkatapos ng pagluwal sa kanyang anak.

 Nagbalik si Angelu sa pelikula sa pamamagitan ng Bulaklak ng Maynila na nanalo siyang Best Supporting Actress. Bukas Na Lang Kita Mamahalin na Nanalo siya bilang Best Actress. sa ngayon ay may dalawa ng anak si Angelu at may nakatakda siyang gawing pelikula kasama sina Ruffa Mae Quinto, Mylene Dizon, at Lj Moreno.

 

Kasal si Angelu kay Lorenzo Rivera. Ikinasal sila noong 2010. Sa videong ito ay kilalanin rin natin mga kasama ang mga anak ni Angelu de Leon.

 

1.Maria Louise Nicole

Si Nicole ay nagtapos naman ng kanyang pag-aaral sa Ateneo sa School of Social Science ng AB Communication noong October 2021. Siya ang parang pinagbiyak na bunga at ng kanyang inang si Angelu. Proud na proud naman sa kanya ang kanyang mga magulang, kapatid at maging ang kanilang lola.  Isang napakagandang anak na babae ni Angelu rin si Nicole. Balak rin ni Nicole na magtapos sa School of Law sa Ateneo De Manila University. Si Niole ang anak ni Angelu at ng actor na si Joke Diaz.

 

 

2. Loise

Nag-aral si Loise sa Immaculate Conception Academy. Siya ang isa pang anak na babae ni Angelu na nagtataglay ng napakagandang mukha. Kahit na sa kanyang murang edad noong siya ay nasa high school pa lamang ay talagang mapapahanga ka rin sa kanyabng taglay na kagandahan. Si Loise ay nasa 21 taong gulang na sa kasalukuyan. Hindi malayon maging isang sikat rin siyang actress gaya ng kanyang ina.

 

 

3. Renzo

        Isa pang anak na lalaki ni Angelu ay si Renzo. Si Rexo ay  nasa 19 na taong gulang na sa kasalukuyan. Gaya ng kanyang mga kapatid na babae, kakikitaan rin ng magandang mukha si Renzo.

 

4. Rafa

Si Rafa ang bunsong anak ni Angelu. Siya ay nasa 11 taong gulang na sa kasalukuyan.

 


KILALANIN NATIN SI ANGELIKA DELA CRUZ AT ANG KANYANG MGA ANAK

Si Maria Lourdes Egger Dela Cruz Casareo na man nakilala natin bilang si Angelika Dela Cruz ay isinilang noong October 29, 1981. Siya ay kilalang actress at singer sa ating bansa. Nagsimula si Angelika sa kanyang showbiz career oong 1995 kung saan lumabas sa telebisyon at mga pelikula. Dati siyang nagtatrabaho sa ABS CBN mula 1995 hanggang 1999 at naging contract artist ng GMA Network mula naman noong 2003 hanggang 2007.

 

Nakilala si Angelika dahil sa kanyang pagganap sa primtime drama ng kapamilya network na Maria Clara at Ezperanza noong 1997 hanggang 1999 kasama ang actress na si Judy Ann Santos.

 

Sa paglipat niya sa GMA ay nagawa niya ang mga palabas na Ikaw lang ang Mamahalin, at Sanay wala nang Wakas.

 

Si Angelika ay anak ng isang Italian -Australian Mother na si Angelica Egger. Mayroon pa siyang taong nakababatang kapatid. Dalawang lalaki na sina Eric at Edward at ang actress na si Mika Dela Cruz.

 

August 2008 ay nagpakasal si Angelika kay Orion Casareo at nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki. Ang kanyang panganay ay si Gabriel na isinilang noong March 2009 at ang ikalwa ay si O2 na isinilang naman noong 2015. Ngayon ay teenager na nga ang anak na panganay ni Angelika dahil tinatayang nasa 13 taong gulang na ito.

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...