Ang tunay niyang pangalan ay si Alice Buenaflor Lake na mas nakilala natin sa mga palabas bilang si Anita Linda. Panahon pa lamang ng digmaan ay pinasok n ani Anita ang showbiz industry.
Ginawa niya ang pelikulang Tia
Juana at naalabas ito noong 1943. Nang magtapos na ang digmaan noong 1946 ay
isa si Anita sa mga kinuha ng Premier production at dito ay Nakagawa siya ng
halos lagpas sa tatlogn dosenang mga pelikula.
Ang unang pelikulang nagawa niya sa premier
production ay ang Ngayon at Kailanman. Maliban dito ay sumbok rin siya sa mga
maaksiyong pelikula gaya ng Bandilang Basahan at Dugo ng Katipunan na kapwa
ipinalabas noong 1949.
Si Anita rin ang kauna-unahang
artistang Pilipino na nanalo ng Maria Clara Award noong 1952 bilang best
actress parasa pelikulang Sisa noong 1951.
Marahil ay hindi lang natin
siya kilala sa kanyang pangalan ngunit palagi natin siyang napapanood sa mga
pelikulang ating kinahiligan. Aabot na 20 ang parangal na iginawad sa kanya
dahil sa kanyang husay sa pagganap sa mga pelikula at palabas.
Namatay si Anita sa edad na 95
noong Hunyo 10, 2020. Si Fres Cortes an kanyang asawa at angkaroon sila ng
dalawang anak. Ito ay sina Francesca Lake Legaspi at Fred Cortes Jr.