KILALANIN ANG MGA ANAK NI VHONG NAVARRO


KILALANIN ANG MGA ANAK NI VHONG NAVARRO

 

Si Vhong Navarro o si Ferdinand Hipolito Navarro ay isinilang nong January 4, 1977. Siya ay kilalang komedyante, actor, dancer, recording artist at television host sa ating bansa. Isa siya sa mga regular host ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime. Bahagi rin si Vhong ng Streetbys dance group kasama si Jhong Hilario.

 

January 22, 2014 noong nang napabalitang nabogbog si Vhong Navarro ng grupo ng mga kalalakihan sa isang condominium unit sa Fort Bonifacio sa Taguig. Ito ang kamakailang lamang naging laman ng balita kung saan ay nakulong ang actor dahil sa rape case na sinampa sa kanya ni Deniece Cornejo ngunit nakapagpyansa makalipas ang ilang buwan.

 

Sumikat si Vhong dahil sa kanyang kakayahang galing sa komedya gaya ng sa mga pelikulang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim, Woke Up like this bilang si Nando, Buy Now Die Later bilang si Odie, at sa Da Possessed bilang si Ramon.

 

Si Bianca Lapus ang unang naging asawa ni Vhong Navarro kung saan nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki. Ito ay sina Fredrik at Isaiah.

Si Fredriek ang panganay na anakni Vhong. Nagtapos si Fredriek sa kolehiyo noong 2020. Siya ay nas 24 na taong gulang na sa kasalukuyan. Nagtapos si Fredriek ng Bachelors dgre in Information Technology sa University of Sto. Tomas.

Ang isa pang anak ni Vhog ay is Isaiah. June nitong taong ito ay nagtapos na rin si Isaiah sa kolehiyo sa University of Sto. Tomas.

 

Naghiwalay si Vhong Navarro at ng kanyang unang asawa nong 2008. Taong 2019 naman ay nagpakasal muli si Vhong sa kanyang longtime girlfriend na si Tanya Bautista.

 

Marami ang haka-haka tungkol sa kinahaharap ngayon ng actor. Marami ang sumusuporta ngunit marami rin ang kumakalaban sa kanya.  Ngunit para sa asawa at mga anak ni Vhong ay siya ang tunay na nagbibigay ng ngiti sa kanila.


KILALANIN SI ROBERT SEÑA AT ANG KANYANG ANAK



Si Robert Sena ay nakilala sa palabas na Wat Floor Maam noong 2009. 2015 ay lumabs rin siya sa Ang probinsyano at noong 2021 ay sa palabas na Encounter.

 

Ang kanyang unang major solo concert na may pamagat na showtime ay naging hit sa mga tagatangkilik.

 

Dahil sa kanyang husay sap ag-arte sa mundo ng showbiz ay nanominate siya noong 2003 bilang best actor sa isang Play/musical ng Aliw Award dahil sa kanyang role sa Bayan Isang Paa na lamang at Spolarium ni Juan Luna. Sa ganoon ding taon ay nakatanggap siya ng Best Singer in Theater category sa Tinig Awards.

 


Hindi lamang nakilala sa ating bansa si Robert kundi maging sa ibang bansa gaya ng Europe. Nakasama siya sa Miss Saigon sa Germany at London at maging sa Hey! Mr. Producer na ginawa sa London.

 

Habang sa siya ay nasa London ay nag-aral siya ng prosthetic make-up sa Greasepaint. 

 

Bagaman nagsimula siya sa mundo ng musika ay nakilala siya sa Theatro kung saan gumanap siya ng iba’t-ibang roles sa mga palabas pan tiatro.

Ang kanyang pinaka sikat na nagawang role ay bilang Engineer sa Miss Saigon ni Lea Salonga.

 

Ang kayang asawa ay si Isay Alvarez na nakilala sa La Vissa Loca noong 2005 at nagkaroon sila ng anak na lalaki. Ito ay si Robeto Sena.

 


Si Roberto ay isang vocalist ng indie rock band na She’s Only 16. Ang kanilang banda ay nabuo noong 2012. Tila hindi naman magkasudo ang mag-ama pagdating sa pulitika. Matatandaan na nag tweet si Roberto patungkol sa pagiging DDS umano ng kanyang mga magulang matapos na magsara ang ABS CBN na naging tahanan ng mga ito. Pinayuhan naman siya ng ilang mga netizens nap ag-usapan na lamang nila ito sa kanilang pamilya.

 


KILALANIN SI JEFFREY QUIZON AT ANG KANYANG MGA ANAK




Si Jeffrey smith Quizon ay isinilang noong January 23, 1973. Siya ay isang kilalang actor, television host at anak ng batikang actor a si Dolphy Quizon. Kilala siya bilang kontrabida sa pelikulang Lastikman bilang si Jepoy o Stryker noong 2003. Anak siya ni Dolphy kay Pamela Ponti. Kapatid niya sina Ronnie Quizon, Eric Quizon at Madonna Smith Quizon.

 

Ilan sa mga hulking pelikulang nagaa ni Jeffrey Quizon ay ang mga pelikulang Princess DayaReese bilang si King Amala, The Art of Ligaw bilang si Jake, Unli Life bilang si Rodolfo “Dolphy Quizon at sa sikat na palabas na Goyo: ang Batang Heneral bilang si Apolinario Mabini.

 


Hanggang sa kasalukuyan ay aktibo parin si Jeffrey sa mga palabas pantelebisyon. Ilan sa mga palabas na kanyang kinabilangan ay The Gift noong 2019 bilang si Gabriel, Flower of Evil bilang si Noel nito lamang taong ito at sa Voltes V: Legacy.

 

Si Jeffrey Quizon rin ang naging producer ng pelikulang Bukal noong 2021 at naging Assistant Director sa mga palabas na Langti sa Piling Mo, Pagdating ng Panahon, at Ms. Kristina MoranL Ang Babaeng Palaban.

 

Nagatanggap rin si Jeffrey Quizon ng mga Gawad parangal gaya ng sa MMFF bilang Best Supporting Actor, Best Producer at OutstandingAchievement Award bilang Direktor ng Indie Short Fest sa pelikulang bukal noong 2021.

 


Si Maria del Rosario Camus Escdero ang asawa ni Jeffrey Quizon at mayroon silang dalwang anak. Ito ay sina Eleana Mishael Quizon at si Sandro Quizon. Kitang kita ang ka kyutan sa batang si Misha.


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...