12 ANAK NI PANGULONG ERAP ESTRADA SA PITONG MGA BABAE


MGA NAGING ANAK NI JOSEPH EJERCITO ESTRADA SA IBA’T-IBANG BABAE

 

Si dating pangulong Joseph Ejercito Estrada ay ipinanganak noong Abril 19, 1937 sa Tondo, Maynila. Ang mga magulang niya ay sina Emilio Ejercito, Sr., na isang inhinyero at Maria Marcelo.

 

Nag-aral siya sa primarya ng Ateneo de Manila University at kalaunang pumasok sa kursong inhinyerya sa Mapua Institute of Technology.

 

Huminto siya sa pag-aaral sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng pelikulang Pilipino sa edad na 21.

 

Nakagawa siya ng humigit kumulang na isangdaan at dalawampung pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang mga papel ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan.

 

Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula.

 

Ilan sa mga pelikula niya ay Sa Kuko ng Agila, Tres Kantos, Hari ng Maton, Apat na patak ng dugo ni adan at Kandelerong pilak.

 

Popular sa atin ang slogang “Erap para sa Mahirap” na ginamit niya upang makuha ng simpatiya ng mga mahihirap nating mga kababayan na naging daan ng kanyang pagkapanalo bilang Pangulo ng Pilipinas. Bago siya naging pangulo ay naupo muna siyang Senador at vice presidente noong 1992.

 

Matapos siyang maupo bilang presidente ay naging alkalde rin siya ng Maynila na ngayon ay pinamumunuan na ni Mayor Isko Moreno.

 

Maraming mga babae ang minahal ni Erap Estrada. Ilan sa mga ito ay naging ina ng kanyang mga anak. Narito ang 7 sa mga babaeng kanyang minahal. Sila ay sina Dr. Luisa Loi Pimentel, Peach Osorio, Mayor Guia Gomez, Laarni Enriquez, Joy Melendrez,  Mary Ann Murphy at Rowena Lopez na isang flight attendant.

 

Ngayon mga kasama ay isa-isahin natin ang mga naging anak ng dating Pangulong Joseph Ejercito “Erap” Estrada sa iba’t-ibang babae.

 

INA: LUISA PIMENTEL

1.   Senator Jose Jinggoy Estrada

Si Senador Jinggoy Estrada ay dating artista at naging senador ng Pilipinas mula 2004 hanggang 2016. Anak siya ni Erap sa dating first lady Luisa Estrada. Ipinanganak siya sa Maynila at nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas. Isa sya sa mga nakulong noong nadawit ang kanyang pangalan sa Pork Barrel Scam, ngunit napawalang sala sya noong nakaraang taon. Naging asawa niya si Ma. Presentacion Vitug at nagkaroon sila ng 4 na anak na sina Janella Marie, Joseph Luis Manuel, Julian Emilio, at Juliene.

2.   Jackie Estrada

Si Jacqueline ay anak pa rin ni Erap sa dating first lady Luisa Pimentel. Ikinasal si Jackie kay Beaver Lopez na anak ng Meralco Chairman na si Manuel Lopez. Napabalita noon na nagkaroon ng ugnayan sina Jackie at Mayor Isko Moreno matapos maghiwalay ang mag-asawa dahil sa mga lumabas na larawan online. Ngunit mariin naman itong itinanggi ni Mayor Isko Moreno.

3.   Jude Estrada

Si Jude isa sa tatlong anak pa rin ni Erap sa dating first lady Luisa Pimentel. Isa rin siyang aktor na nakilala sa pelikulang Ang Joker at ang Pistolero noong 1998, Angel de Jesus noong 1997 at Buenavista noong 1993. Si Jude ay sinasabing President at Chief Operating Officer ng Golder Harvest Feeds Milling Corporation.

 

Ikinasal si Jude sa kanyang childhood sweetheart na si Ma. Rowena Ocampo noong June 2, 2008 sa Santuario de san Antonio sa Makati City.

 

 

INA: PEACH OSORIO

4.   Joel Eduardo Ejercito o Jojo Ejercito

Si Joel Eduardo o Jojo naman ang ay anak naman ni Erap kay Peach Osorio. Isa siya sa mga shareholders ng Gomez Companies kasama ang kanyang kapatid na si Theresa.

5.   Ma. Theresa Ejercito o Tetchie Ejercito

     Si Teresita ang pangalawang anak ni erap kay Peach Osorio na anak ng isang movie director. Si peachy ang huling babae na nakasama ni Erap bago siya ikasal kay First Lady Luisa Pimentel.

 

INA: MAYOR GUIA GOMEZ

6.   Senator Jose Victor JV Estrada

Si senator JV naman ay anak ng dating pangulo sa kay San Juan City Mayor Guia Gomez. Naging mayor din siya ng San Juan mula 2001 hanggang 2010. Nagsilbi rin siya bilang kongresista mula 2010 hanggang 2013 at nanalo sa pagka senador noong 2013 at natapos ang kanyang termino noong 2019.

 

Napangasawa niya si Hyacinth Cindy Lotauco at nagkaroon ng anak na lalaki na si Julio Jose. May anak pa siyag dalawang lalaki na sina Jose Emili at Joseph Victor na isang Reserved Officer ng Philippine Marine Corps na may ranggong Major.

 

INA: LAARNI ENRIQUEZ

7.   Jerika Ejercito

Si Jerika Ejercito ay anak naman ni Erap sa dating actress na si Laarni Enriquez. Ikinasal siya kay Miquel Aguilar Garcia at nagkaroon sila ng mga anak. Dating kasintahan ni Jerika ang isang aktor na si Bernard Palanca. Nagtapos ang kanilang relasyon noong 2016.

8.   Jake Ejercito

Noong 2018 ay nagtapos si Jake ng kanyang Master’s Degree in Marketing sa Singaporean University at nagtamo ng Karangalan. Pinatunayan niyang hindi lamang siya nagtataglay na good looks, nag-aangkin din ng katalinuhan. Si Jake ay isa sa mga anak ni Erap sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

May anak si Jake Kay Andi Eigenmann na si Ellie na ngayon ay walong taong gulang na.

 

9.   Jacob Ejercito

Si Jacob ay anak parin ni Erap kay Laarni Enriquez. Isa rin si Jacob sa mga inaabangan ng maraming mga kababaihan dahil sa ganda ng kanyang pangangatawan at itsura.

 

INA: FLIGHT ATTENDANT JOY MELENDREZ

10.  Jose Mari “Joma” Ejercito

Si Jose Mari Ejercito ay anak naman ni Erap kay Joy Meledrez. Sinasabing isang product manager si jose Mari sa Estados Unidos. Nagtapos si Joma sa Fordhan University.

 

INA: MARY ANN MURPHY

11.  Joan Ejercito

Si Joan naman ay anak ni Erap kay Mary Ann Murphy na dating actress.

INA: FLIGHT ATTENDANT “LARENA”

12.    Jason Ejercito

Si Jason ay anak naman ni Erap sa isa ring flight attendant na kilala bilang si Larena.

 

Yang nga mga kasama ang mga anak naging anak ng dating Pangulong Erap Estrada sa kanyang mga babae.

 

Kung may nais kayong mapanood ay maaring mag comment sa ibaba para sa segment na ito sa playlist ng “mga anak sa iba’t-ibang babae” at gagawin po namin ito para sa inyo.

 

Magsubscribe na sa aming channel kung di ka pa nagkapagsusubscribe para marami ka pang mapanood na ganitong mga video. E like at e share din sa inyong mga kaibigan.

 

Maraming salamat mga kasama.


DI PORKET KALBO AY MAHINA ANG ULO- ARNELL IGNACIO VS. GISELLE TOENGI


ARNELL IGNACIO VS. G TONGI- DI PORKET KALBO BOBO

 

Nag viral kamakailang lamang ang sagutan nina Arnell Ignacio at isang aktres na si Giselle Tongi. Ang ugat na dahilan ng kanilang pag-aaway ay ang naunang post ni Arnell na kung saan naglabas lamang umano siya ng sama ng kanyan saloobin na nahihirapan na siyang ipagtanggol ang mga kasamahan sa industriya sa pagkakastereotype na karamihan umano sa kanila ay may mahihinang ulo.

 

Sinagot ito Giselle sa kanyang tweet. Sinabi niya na magdahan dahan umano ang actor sa pagsasalita at pag atake sa kanyang mga kasamahan sa industriya dahil ginagamit lang naman umano ng mga ito ang kanilang mga boses na Karapatan naman anya nilang bilang mamayan.

 

Dagdag pa ni Giselle ay sa kanya anyang pagkakaalam ay ang mahihina ang ulo ay yung di tinutubuan ng buhok at laging nakasuot ng plug ins kagaya any ani Arnell. Narito ang kanyang pahayag.

 

“Arnel- dahan dahan lang sa pag atake ng mga kasamahang sa industrya na ginagamit lang naman ang kanilang boses na karapatan naman nila... Sa kaalaman ko, ang may mahinang ulo ay yung di tumutubong buhok mo, kaya tuloy naka plug ins ka..”

 

Dahil sa pahayag na ito ni Giselle ay na inspire umano si arenelle na gumawa ng sariling YouTube Channel upang doon anya siya magpahayag ng kanyang mga sagot sa mga patutsada sa kanya.

 

Inisa-isa ni Arnel ang kanyang post dati na kung saan wala umano siyang intension na saktan ang mga kasamahan nito sa industriya. Siya man daw ay nasasaktan sa pagkakaroon ng stereotype sa kanilang bilang mga mahihina ang ulo.

 

Subalit sa mga nakaraang buwan anya ay talaga naming lumalabas at nakikita ng maraming mga Pilipino na talagang may mga kasamahan sila na sumasawsaw sa mga usapang hindi anya muna pinag-aaralan kaya’t nagkakaroon ng masamang epekto sa mga ito.

 

Marahil ang tinutukoy ni Arnell ay ang mga pahayag ng ilang celebrities gaya halimbawa ni Kim Chiu na kung saan nag viral ang kanyang live stream noon sa Facebook sa pagpapaliwanag patungkol sa batas at inihambing pa ito sa batas ng classroom na kalaunan ay maging siya ay natawa na rin sa kanyang pagpapaliwanag dahil di rin anya niya ito naintindihan.

 

Sa huling pangungusap na sinabi ni Giselle ay tawang tawa ang actor sa pagkakasabi nito na mahina nag ulo ng mga ulong walang buhok o kalbo.

 

Pahayag ni Arnell karamihan anya sa kanilang mga kliyente na klabo ay mga lawyer at matatalino. Kaya’t hindi anya totoo ang sinasabi ni Giselle na pagkalbo ay gago.

 

Pabiro pang inudyukan ni Arnell si Giselle na magsubscribe sa kanyang Channel maging ang mga galit sa kanya gaya ni mystica.

 

Anong masasabi niyo mga kasama sa isyung ito?

 

Magsubscribe na sa aming channel para lagi kang makatanggap ng mga latest showbiz issue.


 

 

 


KILALANIN ANG MGA ANAK NI IAN VENERACION


KILALANIN NATIN ANG MGA ANAK NI IAN VENERACION

 

Sa edad na apatnaput-lima taon itinuturing si Stephen Ian Lopez Veneracion o mas popular sa atin sa simpling Ian Veneracion bilang isa sa pinaka hottest and cuttiest dad sa celebrity world.


Kaya’t di maiwasan na maging ang mga ordinaryong mamamayan ay magkaroon ng greatest crush sa kanya.

Sa panayam ng Inquirer .  net ay inamin ni Ian na kahit siya bilang tao ay hindi immune sa temptation at maaring magkamali. Alam umano niya na  bahagi ito ng showbiz industry at nararanasan niya ito sa lahat ng pagkakataon.

Bagaman, marami anya siyang nakatrabahong magagandang babae ay hindi siya nagpadala sa tukso kaya’t overconfident umano sa kanya ang kanyang asawa kaya’t kahit siya ay ini ignore nito.

Si Ian ay kasal kay Pam Gallardo kung saan nagkaroon sila ng tatlong anak.

 

Isa-isahin natin ang mga anak ni Mr. Ian Veneracion.

 

1. Tristan Draco Veneracion


Si Draco ang panganay na anak ni Ian Veneracion kay Pam Gallardo. Naging latest crush sa social media si Draco dahil sa pagkakahawig nito sa kanyang ama.

Kumuha si Draco ng Bachelor’s Degree in Legal Management sa De La Salle University. Ang kanyang pangalan na Tristan Draco ay hinango popular constellation at movie character sa pelikulang Dragonheart at Legends of the Fall ni Brad Pitt bilang si Tristan.

 

Mahilig si Draco sa mga outdoor sports gaya ng motorbiling tulad ng kanyang ama. Nakuha din ni Draco ang interes ng kanyang ama sa hiking, sailing, at snowboarding kaya’t maging ang kanyang mga kapatid ay sumasama na rin sa kanila.

 

2. Deirdre Veneracion


Si Dids ang nag-iisang anak na babae ni Ian Veneracion. Subalit nag come out si Deirdre sa kanyang ama bilang isang lesbian noong siya ay 16 na taong gulang.

 

Nagkwento ni Ian sa programa ng Magandang Buhay kung paano umamin si Dids sa kanya sabi ng actor.

“Dumating siya, medyo teary-eyed, sabi niya, “Daddy I’ll tell you something.” Sabi ko “What? Sit down.”

 

Sabi niya, “ I like girls.”

Sabi ko sa kanya, “Me also, I like girls.”

Tapos nagtataka siya. It’s Okay?

 

“Yes. Just don’t ever be apologetic about it, not even to me.”

You can be whoever you want to be. And I have full support.

 

Nasurpresa umano sa kanya ang kanyang anak dahil sa kanyang pagiging cool.

Dagdag pa ni Ian

“Umatras yung luha niya kasi natawa siya. Sabi niya, “You know?’’

Sabi ko “Oo naman, bata ka pa ang macho mo na”

Nagtawanan nalang umano ang dalawa sa pag-amin ni Dids.

 

3.  Duccio Veneracion


Si Duccio ang bunsong anak ni Ian at Pam. Siya ay nasa 14 na taong gulang na. Gaya ng kanyang kuya Draco at ate Dids ay hilig din ni Duccio ang mga outdoor activities.

Marahil silang tatlo ang halimbawa ng mga coolest teenagers dahil sa pareparehong hilig ng mga ito lalo na sa mga outdoor activities.

Full support naman sina Ian at Pam sa anumang gusto ng kanilang mga anak.

 

Nawa ay na enjoy mo ito. Huwag mong kalimutang magsubscibe sa ating channel para lagi kang updated sa ganitong mga video. Salamat sa panonood.

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...