12 ANAK NI PANGULONG ERAP ESTRADA SA PITONG MGA BABAE


MGA NAGING ANAK NI JOSEPH EJERCITO ESTRADA SA IBA’T-IBANG BABAE

 

Si dating pangulong Joseph Ejercito Estrada ay ipinanganak noong Abril 19, 1937 sa Tondo, Maynila. Ang mga magulang niya ay sina Emilio Ejercito, Sr., na isang inhinyero at Maria Marcelo.

 

Nag-aral siya sa primarya ng Ateneo de Manila University at kalaunang pumasok sa kursong inhinyerya sa Mapua Institute of Technology.

 

Huminto siya sa pag-aaral sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng pelikulang Pilipino sa edad na 21.

 

Nakagawa siya ng humigit kumulang na isangdaan at dalawampung pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang mga papel ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan.

 

Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula.

 

Ilan sa mga pelikula niya ay Sa Kuko ng Agila, Tres Kantos, Hari ng Maton, Apat na patak ng dugo ni adan at Kandelerong pilak.

 

Popular sa atin ang slogang “Erap para sa Mahirap” na ginamit niya upang makuha ng simpatiya ng mga mahihirap nating mga kababayan na naging daan ng kanyang pagkapanalo bilang Pangulo ng Pilipinas. Bago siya naging pangulo ay naupo muna siyang Senador at vice presidente noong 1992.

 

Matapos siyang maupo bilang presidente ay naging alkalde rin siya ng Maynila na ngayon ay pinamumunuan na ni Mayor Isko Moreno.

 

Maraming mga babae ang minahal ni Erap Estrada. Ilan sa mga ito ay naging ina ng kanyang mga anak. Narito ang 7 sa mga babaeng kanyang minahal. Sila ay sina Dr. Luisa Loi Pimentel, Peach Osorio, Mayor Guia Gomez, Laarni Enriquez, Joy Melendrez,  Mary Ann Murphy at Rowena Lopez na isang flight attendant.

 

Ngayon mga kasama ay isa-isahin natin ang mga naging anak ng dating Pangulong Joseph Ejercito “Erap” Estrada sa iba’t-ibang babae.

 

INA: LUISA PIMENTEL

1.   Senator Jose Jinggoy Estrada

Si Senador Jinggoy Estrada ay dating artista at naging senador ng Pilipinas mula 2004 hanggang 2016. Anak siya ni Erap sa dating first lady Luisa Estrada. Ipinanganak siya sa Maynila at nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas. Isa sya sa mga nakulong noong nadawit ang kanyang pangalan sa Pork Barrel Scam, ngunit napawalang sala sya noong nakaraang taon. Naging asawa niya si Ma. Presentacion Vitug at nagkaroon sila ng 4 na anak na sina Janella Marie, Joseph Luis Manuel, Julian Emilio, at Juliene.

2.   Jackie Estrada

Si Jacqueline ay anak pa rin ni Erap sa dating first lady Luisa Pimentel. Ikinasal si Jackie kay Beaver Lopez na anak ng Meralco Chairman na si Manuel Lopez. Napabalita noon na nagkaroon ng ugnayan sina Jackie at Mayor Isko Moreno matapos maghiwalay ang mag-asawa dahil sa mga lumabas na larawan online. Ngunit mariin naman itong itinanggi ni Mayor Isko Moreno.

3.   Jude Estrada

Si Jude isa sa tatlong anak pa rin ni Erap sa dating first lady Luisa Pimentel. Isa rin siyang aktor na nakilala sa pelikulang Ang Joker at ang Pistolero noong 1998, Angel de Jesus noong 1997 at Buenavista noong 1993. Si Jude ay sinasabing President at Chief Operating Officer ng Golder Harvest Feeds Milling Corporation.

 

Ikinasal si Jude sa kanyang childhood sweetheart na si Ma. Rowena Ocampo noong June 2, 2008 sa Santuario de san Antonio sa Makati City.

 

 

INA: PEACH OSORIO

4.   Joel Eduardo Ejercito o Jojo Ejercito

Si Joel Eduardo o Jojo naman ang ay anak naman ni Erap kay Peach Osorio. Isa siya sa mga shareholders ng Gomez Companies kasama ang kanyang kapatid na si Theresa.

5.   Ma. Theresa Ejercito o Tetchie Ejercito

     Si Teresita ang pangalawang anak ni erap kay Peach Osorio na anak ng isang movie director. Si peachy ang huling babae na nakasama ni Erap bago siya ikasal kay First Lady Luisa Pimentel.

 

INA: MAYOR GUIA GOMEZ

6.   Senator Jose Victor JV Estrada

Si senator JV naman ay anak ng dating pangulo sa kay San Juan City Mayor Guia Gomez. Naging mayor din siya ng San Juan mula 2001 hanggang 2010. Nagsilbi rin siya bilang kongresista mula 2010 hanggang 2013 at nanalo sa pagka senador noong 2013 at natapos ang kanyang termino noong 2019.

 

Napangasawa niya si Hyacinth Cindy Lotauco at nagkaroon ng anak na lalaki na si Julio Jose. May anak pa siyag dalawang lalaki na sina Jose Emili at Joseph Victor na isang Reserved Officer ng Philippine Marine Corps na may ranggong Major.

 

INA: LAARNI ENRIQUEZ

7.   Jerika Ejercito

Si Jerika Ejercito ay anak naman ni Erap sa dating actress na si Laarni Enriquez. Ikinasal siya kay Miquel Aguilar Garcia at nagkaroon sila ng mga anak. Dating kasintahan ni Jerika ang isang aktor na si Bernard Palanca. Nagtapos ang kanilang relasyon noong 2016.

8.   Jake Ejercito

Noong 2018 ay nagtapos si Jake ng kanyang Master’s Degree in Marketing sa Singaporean University at nagtamo ng Karangalan. Pinatunayan niyang hindi lamang siya nagtataglay na good looks, nag-aangkin din ng katalinuhan. Si Jake ay isa sa mga anak ni Erap sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

May anak si Jake Kay Andi Eigenmann na si Ellie na ngayon ay walong taong gulang na.

 

9.   Jacob Ejercito

Si Jacob ay anak parin ni Erap kay Laarni Enriquez. Isa rin si Jacob sa mga inaabangan ng maraming mga kababaihan dahil sa ganda ng kanyang pangangatawan at itsura.

 

INA: FLIGHT ATTENDANT JOY MELENDREZ

10.  Jose Mari “Joma” Ejercito

Si Jose Mari Ejercito ay anak naman ni Erap kay Joy Meledrez. Sinasabing isang product manager si jose Mari sa Estados Unidos. Nagtapos si Joma sa Fordhan University.

 

INA: MARY ANN MURPHY

11.  Joan Ejercito

Si Joan naman ay anak ni Erap kay Mary Ann Murphy na dating actress.

INA: FLIGHT ATTENDANT “LARENA”

12.    Jason Ejercito

Si Jason ay anak naman ni Erap sa isa ring flight attendant na kilala bilang si Larena.

 

Yang nga mga kasama ang mga anak naging anak ng dating Pangulong Erap Estrada sa kanyang mga babae.

 

Kung may nais kayong mapanood ay maaring mag comment sa ibaba para sa segment na ito sa playlist ng “mga anak sa iba’t-ibang babae” at gagawin po namin ito para sa inyo.

 

Magsubscribe na sa aming channel kung di ka pa nagkapagsusubscribe para marami ka pang mapanood na ganitong mga video. E like at e share din sa inyong mga kaibigan.

 

Maraming salamat mga kasama.


DI PORKET KALBO AY MAHINA ANG ULO- ARNELL IGNACIO VS. GISELLE TOENGI


ARNELL IGNACIO VS. G TONGI- DI PORKET KALBO BOBO

 

Nag viral kamakailang lamang ang sagutan nina Arnell Ignacio at isang aktres na si Giselle Tongi. Ang ugat na dahilan ng kanilang pag-aaway ay ang naunang post ni Arnell na kung saan naglabas lamang umano siya ng sama ng kanyan saloobin na nahihirapan na siyang ipagtanggol ang mga kasamahan sa industriya sa pagkakastereotype na karamihan umano sa kanila ay may mahihinang ulo.

 

Sinagot ito Giselle sa kanyang tweet. Sinabi niya na magdahan dahan umano ang actor sa pagsasalita at pag atake sa kanyang mga kasamahan sa industriya dahil ginagamit lang naman umano ng mga ito ang kanilang mga boses na Karapatan naman anya nilang bilang mamayan.

 

Dagdag pa ni Giselle ay sa kanya anyang pagkakaalam ay ang mahihina ang ulo ay yung di tinutubuan ng buhok at laging nakasuot ng plug ins kagaya any ani Arnell. Narito ang kanyang pahayag.

 

“Arnel- dahan dahan lang sa pag atake ng mga kasamahang sa industrya na ginagamit lang naman ang kanilang boses na karapatan naman nila... Sa kaalaman ko, ang may mahinang ulo ay yung di tumutubong buhok mo, kaya tuloy naka plug ins ka..”

 

Dahil sa pahayag na ito ni Giselle ay na inspire umano si arenelle na gumawa ng sariling YouTube Channel upang doon anya siya magpahayag ng kanyang mga sagot sa mga patutsada sa kanya.

 

Inisa-isa ni Arnel ang kanyang post dati na kung saan wala umano siyang intension na saktan ang mga kasamahan nito sa industriya. Siya man daw ay nasasaktan sa pagkakaroon ng stereotype sa kanilang bilang mga mahihina ang ulo.

 

Subalit sa mga nakaraang buwan anya ay talaga naming lumalabas at nakikita ng maraming mga Pilipino na talagang may mga kasamahan sila na sumasawsaw sa mga usapang hindi anya muna pinag-aaralan kaya’t nagkakaroon ng masamang epekto sa mga ito.

 

Marahil ang tinutukoy ni Arnell ay ang mga pahayag ng ilang celebrities gaya halimbawa ni Kim Chiu na kung saan nag viral ang kanyang live stream noon sa Facebook sa pagpapaliwanag patungkol sa batas at inihambing pa ito sa batas ng classroom na kalaunan ay maging siya ay natawa na rin sa kanyang pagpapaliwanag dahil di rin anya niya ito naintindihan.

 

Sa huling pangungusap na sinabi ni Giselle ay tawang tawa ang actor sa pagkakasabi nito na mahina nag ulo ng mga ulong walang buhok o kalbo.

 

Pahayag ni Arnell karamihan anya sa kanilang mga kliyente na klabo ay mga lawyer at matatalino. Kaya’t hindi anya totoo ang sinasabi ni Giselle na pagkalbo ay gago.

 

Pabiro pang inudyukan ni Arnell si Giselle na magsubscribe sa kanyang Channel maging ang mga galit sa kanya gaya ni mystica.

 

Anong masasabi niyo mga kasama sa isyung ito?

 

Magsubscribe na sa aming channel para lagi kang makatanggap ng mga latest showbiz issue.


 

 

 


KILALANIN ANG MGA ANAK NI IAN VENERACION


KILALANIN NATIN ANG MGA ANAK NI IAN VENERACION

 

Sa edad na apatnaput-lima taon itinuturing si Stephen Ian Lopez Veneracion o mas popular sa atin sa simpling Ian Veneracion bilang isa sa pinaka hottest and cuttiest dad sa celebrity world.


Kaya’t di maiwasan na maging ang mga ordinaryong mamamayan ay magkaroon ng greatest crush sa kanya.

Sa panayam ng Inquirer .  net ay inamin ni Ian na kahit siya bilang tao ay hindi immune sa temptation at maaring magkamali. Alam umano niya na  bahagi ito ng showbiz industry at nararanasan niya ito sa lahat ng pagkakataon.

Bagaman, marami anya siyang nakatrabahong magagandang babae ay hindi siya nagpadala sa tukso kaya’t overconfident umano sa kanya ang kanyang asawa kaya’t kahit siya ay ini ignore nito.

Si Ian ay kasal kay Pam Gallardo kung saan nagkaroon sila ng tatlong anak.

 

Isa-isahin natin ang mga anak ni Mr. Ian Veneracion.

 

1. Tristan Draco Veneracion


Si Draco ang panganay na anak ni Ian Veneracion kay Pam Gallardo. Naging latest crush sa social media si Draco dahil sa pagkakahawig nito sa kanyang ama.

Kumuha si Draco ng Bachelor’s Degree in Legal Management sa De La Salle University. Ang kanyang pangalan na Tristan Draco ay hinango popular constellation at movie character sa pelikulang Dragonheart at Legends of the Fall ni Brad Pitt bilang si Tristan.

 

Mahilig si Draco sa mga outdoor sports gaya ng motorbiling tulad ng kanyang ama. Nakuha din ni Draco ang interes ng kanyang ama sa hiking, sailing, at snowboarding kaya’t maging ang kanyang mga kapatid ay sumasama na rin sa kanila.

 

2. Deirdre Veneracion


Si Dids ang nag-iisang anak na babae ni Ian Veneracion. Subalit nag come out si Deirdre sa kanyang ama bilang isang lesbian noong siya ay 16 na taong gulang.

 

Nagkwento ni Ian sa programa ng Magandang Buhay kung paano umamin si Dids sa kanya sabi ng actor.

“Dumating siya, medyo teary-eyed, sabi niya, “Daddy I’ll tell you something.” Sabi ko “What? Sit down.”

 

Sabi niya, “ I like girls.”

Sabi ko sa kanya, “Me also, I like girls.”

Tapos nagtataka siya. It’s Okay?

 

“Yes. Just don’t ever be apologetic about it, not even to me.”

You can be whoever you want to be. And I have full support.

 

Nasurpresa umano sa kanya ang kanyang anak dahil sa kanyang pagiging cool.

Dagdag pa ni Ian

“Umatras yung luha niya kasi natawa siya. Sabi niya, “You know?’’

Sabi ko “Oo naman, bata ka pa ang macho mo na”

Nagtawanan nalang umano ang dalawa sa pag-amin ni Dids.

 

3.  Duccio Veneracion


Si Duccio ang bunsong anak ni Ian at Pam. Siya ay nasa 14 na taong gulang na. Gaya ng kanyang kuya Draco at ate Dids ay hilig din ni Duccio ang mga outdoor activities.

Marahil silang tatlo ang halimbawa ng mga coolest teenagers dahil sa pareparehong hilig ng mga ito lalo na sa mga outdoor activities.

Full support naman sina Ian at Pam sa anumang gusto ng kanilang mga anak.

 

Nawa ay na enjoy mo ito. Huwag mong kalimutang magsubscibe sa ating channel para lagi kang updated sa ganitong mga video. Salamat sa panonood.

ARCI MUNOZ ISA NANG SERGEANT SA PHILIPPINE AIR FORCE


ARCI MUNOZ ISA NANG SERGEANT SA PHILIPPINE AIR FORCE

 

Si Arci Munos o Ramona Cecila Datuin Munoz ay kilala bilang isang sikat na Filipina Actress at singer. Nagsimula siya sa showbiz industry noong sumali siya sa third season ng reality show ng StarStrcuk. Siya ay isang lead vocalist ng Filipino rock band na Philia.

 

Ngayon ay ganap na ngang isang Sergeant si Arci nang ianunsyo ng Facebook Page ng AFRC Laang Kawal Page nang ma kompleto niya ang Basic Military Training noong Octobre 25.

 

Nasa supervision si Arci ng  1st Air Reserve Center na kung saan doon siya nagsanay ng Markmanship Training, Obstacle Course, Field Training Exercise at iba pang mga pagsasanay upang lubos siyang maging handa sa pagiging Reservist ng Philippine Air Force.

 

Proud na proud naman si Arci dahil sa natapos niya ang  malahirap na pagsasanay military kahit na sa gitna na pamdemya. Sinabi ng actress.

 

“I made it! I just want to say I’m very proud of myself for finishing such a great feat. Training with the military was really tough specially with a pandemic looming. I did things I didn’t know I would (and could). Getting here hasn’t been traversed overnight; although what I went through is nothing compared to my colleagues—I feel great admiration for them. I also found myself humbled and it made me gain a renewed self respect. That being said, I hope that I’ll never have to use what I learned for violence instead be an inspiration to many to have a sense of comradeship so we can all live in peace. I will forever cherish and hold on to the learnings and core values that this institution instilled. I will remain a snappy composure and continue to serve in the best interests of my nation. Sincerely yours Sergeant Ramona Cecilia Datuin Munoz.

 

Maraming mga netizens and natuwa at nag congratulate sa actress dahil sa pakikiisa nito sa Philippine Air Force. Nanatiling positibo si Arci sa kabila ng pagkawala niya sa Kapamilya show na “Pamilya Ko” dahil umano sa attitude issue. Nanatili siyang matatag hanggang sa makamit ang kanyang pinapangarap.

 

Manatiling nakaabang sa aming mga videos. Magsubscribe na sa aming YouTube channel.

 



ITO PALA ANG TRABAHO NILA NOON- PINOY CELEBRITIES NA GALING SA MATINDING...





DATING
TRABAHO  NG  5 SIKAT AT YAYAMANIN NA PINOY CELEBRITIES NA
NAGMULA SA HIRAP

Hindi kaila sa atin na karamihan sa
mga celebrities ay nagmula sa matinding kahirapan at naabot ang rurrok ng
tagumpay dahil sa sipag at tiyaga.

Karamihan sa kanila ay nabago ang
takbo ng buhay, ito ay dahil sa kanilang angking galling, ganda, kagwapohan,
kasipagan, at maging diskarte sa pagdadala ng buhay. Kaya’t narrating nila ang
minimithing tagumpay.

Narito at kilalanin natin ang lima
sa mga sikat at yayamaning pinoy celebrities sa ating bansa at muli nating
balikan ang kanilang mga pinanggalingan bago sila nagging popular.

1. MANNY PACCQUIAO

Si Manny Pacquiao ay kilala sa
pagiging magaling na bosingero. Bago niya nakamit ang matamis na tagumpay ay
dumaan siya napakatinding karirapan. Kaya’t malapit ang kalooban ni Manny sa
mga mahihihirap dahil doon siya nanggaling.

Nabanggit ni Manny sa ilang mga
interviews sa kanya na sya ay dating nagtitinda lamang ng ice crea sa daan bago
pumasok sa boxing at pag-aartista.
Mula sa pagtitinda ng ice cream sa
kalsada ay umaabot na ngayon sa $220 million o lagpas sa 10.6 Billion pesos ang
kanyang net worth ayon sa ulat ng bleachreport.com. At sinasabing pang-anim
siya sa may pinakamalaking kinita sa sports sa buong mundo.

2. WILLIE REVILLAME

Bago paman nakilala si Willie
Revillame bilang si Kuya Wil ng Wowowin at bago paman siya nagkaroon ng
sariling private planes, yate, building, real estate properties at magagarang
kotse ay dumaan din siya sa matinding paghihikahos.

Kilala si willie bilang isang
drummer at nagging sidekick ni Randy Santiago sa noon time show noon na Lunch
Date ng GMA7.

Nanatiling sidekick lang si Willie
nina Edu Manzano, Cesar Montano, Aga Muhlach, Vic Sotto at Joey de Leon
hanggang sa nagkaroon siya ng break na maging isa sa mga hosts ng Sang Linggo
nAPO sila ng ABS-CBN noong 1998. 

Lalong sumikat 
si Willie nang nakasama siya nina Randy Santiago at John Estrada sa
Magandang Tanghali Bayan. Hanggang noong 2005 ay nagbukas si Willie ng sariling
show na Wowowin. Nagpalipat lipat man ng istasyon mula ABS-CBN, TV5 at ngayon
ay GMA7 ay lalong dumarami ang mga sumusuporta at nakakakilala kay Willie
Revilla.

Sinasabing umaabot na sa 600 million
pesos ang net worth ni Willie Revillame.

3. VICE GANDA

Bago siya naging unkabogable
superstar ay dumaan rin sa matinding hirap si Vice Ganda. Mula sa pagtitinda ng
bottled water sa kalsada hanggang sa pagiging stand-up comedian sa bar at
pagsali sa iba’t-ibang contest ay buong tiyang pinagtiisan ni vice ang lahat ng
ito upang maabot ang niya nag kanyang kalagayan sa ngayon.

Proud din si vice na ipaalam sa
publiko ang kanyang nagging karanasan at buhay noon bago siya naging sikat at
mayaman. Sa ngayon ay umaabot na sa 75 million pesos ang net worth ni vice
ganda.

4. JERICHO ROSALES

Maaring marami sa inyo ang hindi
nakakaalam na si Jericho Rosales bago maging isang sikat na artista at magtamo
ng karangalan at kayamanan ay isa siyang tindero ng isda sa pampublikong
palengke.
Sumali siya sa isang segment ng GMA
7 noong na Mr. Pogi at doon ay naibahagi niya na siya ay nagtitinda lamang ng
isda sa palengke.

Ayon sa celebritynetworth. Com ay
umaabot na anya sa $3.5 million o mahigit sa 14.5 million pesos ang kanyang net
worth.
Mula sa pagiging tindero ng isda sa
pagiging milyonaryo.

5. Coco Martin

Dahil sa kanyang palabas sa
kapamilya network na ang Probinsyano ay lalong naging mayaman si Coco Martin.
Mula sa pagiging isnag caregiver sa ibang bansa ay naranasan ni Coco Martin ang
hirap ng buhay.

Dahil sa taglay na kasipagan, tyaga,
tindig at kagwapuhan ay naabot ni Coco Martin ang kanyang pangarap. Ngayon ay
isa sya sa pinakasikat at mayaman na actor sa kapamilya network.

Ayon sa celebritynetworth .com ay
umaabot na sa $20 million ang net worth ni Coco o mahigit sa 970 million pesos.

Yan nga ang pinagmulan ng ilan sa
ating mga pinoy celebrities at ang kanilang buhya ngayon sa kasalukuyan. 

MGA NAGING ANAK NI CESAR MONTANO SA IBA'T-IBANG BABAE



Si Cesar Manhilot o mas kilala sa kanyang screen name na Cesar Montano ay isang batiking actor, film producer at director ng mga pelikulang Pilipino.



Nag simula sya sa showbiz industry bilang commercial model pagkatapos ay gumanap bilang leading man sa maaksyong pelikula na talaga naman kinahiligan nang maraming mga Pilipino.

Mas lalong nakilala noon si buboy sa kanyang pagganap bilang si Dr. Jose Rizal. Nakasama rin siya sa ilang Hollywood movie ni Benjamin Bratt na The Great Raid at isa pang Hollywood movie na Another Deep Breath.

Nanalo siya ng maraming acting awards sa mga pelikulang Panaghoy sa Suba, jose Rrizal, Muro Ami at Bagong Buwan. Maliban sa pagiging isang mahusay na artista ay isa rin siyang mahusay na singer at inilunsad nya ang kanyang music album na “Subok Lang” noong taong 2000.

Noong 2007 ay tumakbo siya bilang senador ngunit natalo ito. Natalo rin siya noong 2010 nang tumakbo bilang governador ng kanilang probinsya sa Bohol.

Anim ang sinasabing naging babae sa buhay ni Cesar Montano at mula sa mga ito ay nagkaroon siya ng 12 mga anak. Ngayon ay kilalanin natin ang mga anak ni Cesar Monatano sa kanyang mga babae.

1. Christian Angelo Manhilot



Si Christian Angelo, ang ikalawang anak ni Cesar Montano sa una nitong asawa na si Marilyn Polingga. Si Marilyn ay pumanaw noong 1993. 
Sinasabing nagpakamatay umano ang anak ni Cesar noong ito ay 23 anyos pa
lamang dahil sa pag-ibig.

2. Angela  Manhilot

Si Angela ang panganay anak ni Cesar sa kanyang unang asawa na si Marilyn. Naging pribado ang pamumuhay ni Angela. Sinasabing isang maligayang asawa at ganap nang ina ito. 

3. Diego Loyzaga


Si Carlos Diego Loyzaga, higit na kilala bilang Diego Loyzaga, ay isang Pilipinong aktor, modelo, at video jockey. Kilala siya bilang isa sa mga miyembro ng Kapamilya Cuties. Siya ay na nominate bilang Amazing Male Newcomer in Yahoo! Awards Philippines noong 2011. 

Anak siya ni Cesar Montano kay Teresa Loysaga. Si Teresa ay isa rin batiking artista sa Pilipinas. Isinilang si Diego noong Mayo 21, 1995 sa San Juan Maynila. Siya ay 25 taong gulang na sa kasalukuyan. Nag-aral muna siya sa Marcellis School sa Antipolo City bago manirahan sa Sydney at ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa St. Aidan’s Catholic School sa Maroubra, Sydney at John Forest School sa Perth.

Bumalik siya ng Pilipinas noong 2011 para ipagpatuloy ang
kanyang acting career. Natapos niya ang kanyang high school sa OB Montessori
Center.

4. Angelina Isabele Manhilot



Si Angelina naman ang panganay na anak ni Cesar sa ikalawa nitong asawa na si Sunshine Cruz.  Noong nakaraang Abril ay nagtapos si Angelina ng high school sa De La Salle Zobel at ngayon ay papasok na sa pagiging kolehiyala. Bagaman hindi natuloy ang pagkakaroon ng graduation ceremony ay proud na proud pa rin si and ina nito na si sunshine cruz sa ipaalam sa publiko na nagtapos ang kanyang anak.

Marami ang humanga sa ganda at kaseksihan ng pangangatawan
ni Angelina anupat sinasabi ng maraming mga netizens na maari raw itong sumunod
na beauty queen. Maraming mga pelikula ang naka lign up na gagawin ni Angelina sa kontrata nya noong nakaraang taon sa ABS CBN isa na rito ang pelikulang One Friend kasama nag baguhang actor na si Bryce Ramos. Ipagpapatuloy din daw umano no Angelina ang kanyang music career. Kilala ang mga cruz sa galling sa pagkanta.

5. Samantha Angeline Manhilot



Isinilang noong Setyembre 24, 2001. Siya ay 17 taong gulang na sa kasalukuyan. Si Sam ay may mahigit sa kalahating milyong follower sa Instagram. Kasalukuyang nag-aaral rin si Sam at gaya ng kanyang ate ay mahilig din ito sa musika. Si Samantha ay isa ring kilalang YouTuber.

6. Angel Francheska Manhilot


Si Francheska ang bunsong anak ni Cesar kay Sunshine Cruz. Siya ay 15 gulang na sa kasalukuyan. Madalas siyang tawaging Chesca mula pa nang siya ay maliit. Umaabot sa 243,000 ang followers is Cheska sa kanyang Instagram.

7. Kisten Manhilot at 2 pang nakakatandang kapatid.

Ayon sa mga nakalap na impormasyon ng ilang entertainment websites ay nagkaroon ng tatlong anak si Cesar sa kinakasama niya sa kasalukuyan na si Maria Socorro. Matatandaang nag viral ang video greeting noong 2018 dahil sa hubad na babaeng nahagi ng camera ni cesar habang ito ay nagbibigay ng kanyang mensahe. Sa ngayon ay nakilala na nga siya ng publiko.

Makikita sa larawan ito na post ni Dr. Ronald Adamat sa kanyang Facebook Account si Cesar Montano na may hawak-hawak ng bata habang katabi nito si Maria Socorro. Sinabi ni Dr. Adamat na naimbitahan anya siya na maging ninong sa binyag ng bunsong anak ni Cesar at nagkataon ding unang kaarawan ng bata.

11. Corinth Ian- Anak kay Miss Philippine Earth 2009 Sandra Seifert

Lumabas ang issue na nabuntis ni Cesar Monatano si Miss Philippine Earth 2009 Sandra Seifert pagkatapos ng laban noon ni Manny Pacquiao at Mayweather sa Las Vegas. Tumuloy umano sina Cesar at Sandra sa Italy kung saan doon nakatira ang kapatid ni Cesar at para doon anya manganak si Sandra. Usap-usapan na ang pagbubuntis noon ni Sandra at ang actor na si Cesar Montano ang sinasabing ama ng kanyang dinadala. Wala namang naging pahyag ang campo ni Cesar sa mga bali-balitang ito.


Maliban sa nabanggit ay may lumabas ding balita noon na
post ng isang Instagram user na si @dominion21 na maliban kay Sandra ay may
nabuntis pang isang modelo si Cesar na di naman tinukoy ang pangalan.

Humuhingi kami ng paumanhin kung may mali o kulang sa aming
naibahaing impormasyon. Ito po ay bunga lamang ng aming munting pananaliksik.

Nawa ay nagustuhan nyo ang artikulong ito. Sa muli ay humuhingi kami ng inyong patuloy sa suporta sa pamamagitan ng pagsubscribe, pag like at share sa aming mga artikulo upang mas marami pa kayong mabasa gaya nito.

Magsubscribe sa aming YouTube Channel .

I-Follow rin ang aming Facebook Page para makatanggap ng mga notification mula sa amin.

MGA NAGING ANAK NI BONG REVILLA SA KANYANG MGA BABAE



MGA NAGING ANAK NI BONG REVILLA SA KANYANG MGA BABAE

Si Jose Marie Mortel Bautista, mas kilala bilang Ramon "Bong" Revilla, Jr., o Bong
Revilla, ay isang Pilipinong artista, politiko, at Senador ng Pilipinas. Bilang
isang mahusay at batiking artista nakatanggap siya ng tatlong gantimpala. Ilan
sa mga ito ay Best Actor sa pelikulang Idol ko si Kap, Best Host for Educational Program sa Kap’s Amazing Stories, Best Actor sa Ang Panday at Box
Office King Award kasama si Vic Sotto sa Ang Agimat at si Enteng Kabisote.

Ilan sa mga pelikula niyang sumikat ng husto ay Dugong Buhay, Nardong Kupit, Alyas Pogi, Pangako Sayo,  Ang Panday, Kilabot at Kembot, Isang Bala Isang Buhay, Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, Ang Tister Kong Pogi,
Ben Delubyo, Ang Panday, at Kilabot at Kembot.

Ngayon mga ay isa-isahin natin an mga naging anak ni Bong Revilla sa kanyang mga babae.

1.  Leonard Bryan Bautista o Bryan Revilla












Isinilang noong November 22, 1986. Siya ang panganay na anak nina Bong Revilla at Lani Mercado. Siya ay Isang racer, at modelo ng tatak ng damit na Penshoppe.

Ilan sa mga pelikula niya ya Tres Virgo, Resiklo, Kamandag at Mulawin.

2.   Jose Lorenzo Bautista o Jolo Revilla













Isinilang noong Marso 15,1988. Gaya ng kanyang mga magulang ay pinasok rin ni Jolo ang buhay artista at politiko. Una siyang naging Barangay kapitan ng Panapan VII sa
Bacoor Cavite. Noong 2013 ay tumakbo at nanalo bilang bise gobernadora. Siya
ang pinakabatang nahalal sa Pilipinas bilang bise gobernadora ng Tarlac. 
Gumanap
siya bilang si Ramon Salcedo ng 2008 serye ng Kaputol ng Isang Awit.

Si Jolo ay may anak kay Grace Adriano na anak ng aktres na si Rosanna Rocess.

3.   Inah Felicia Bautista- Del Rosario














Isinilang noong October 1989. Dati rin siyang actress ngunit nabuntis noong 18 taong
gulang pa lamang.  Marami ang nagulat noon nang biglang magpakasal si Inah sa kanyang 23 anyos na Businessman boyfriend na si Vince del Rosario. Sinasabing umabot ng 2.5 million pesos.

Sa kasalukuyan
ay namumuhay si Inah sa masaya at pribadong buhay.

4.   Ma. Viktoria Gianna Bautista



















Sino ang hindi mabibighani sa sumunod na anak na babae ni Bong Revilla na si
Gianna.  Mula sa malalim nitong mga dimples at tumatawang mga mata gaya ng kanyang ama. Isinilang noong August 15, 1995.

5.   Ma. Franzel Loudette Bautista













Isinilang
noong October 15, 1997. Siya ay 22 anyos na sa kasalukuyan.

Nagtapos si Franzel sa De La Salle Zobel High School noong 2015 habang naka detained ang kayang ama. Hindi pinayagan noon si Bong na dumalo sa graduation ng kanyang  anak.

6.   Ramon Vicente Bautista Revilla






















Si Ramon Vicente ang bunsong anak ni Bong kay Lani Mercado. Isinilang siya noong
December 8, 1998. Siya ay 21 taong gulang na ngayon.

7.   Luigi Revilla


















Nagulat ang lahat sa rebelasyon ni Lani Mercado na mayroong anak sa ibang babae si Bong Revilla. Inamin niya ito sa isang episode ng Tonight With Boy Abunda.

Sinabi ni Lani na nagkaroon ng affair ang kanyang asawa  kay Lovely Guzman at bunga ang kanilang relasyon na ito na nga si Luigi Revilla.


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...