KILALANIN
ANG MGA ANAK NI BENJIE PARAS
Si Venancio Johnson Paras, Jr. na mas kilala
sa pangalang Benjie Paras, ay isang retiradong basketbolistang Pilipino na
naglaro ng labing apat na taon sa koponan na Shell Turbo Chargers at isang taon
bilang miyembro ng San Miguel Beermen sa Philippine Basketball Association.
Siya ang kaiisa-isang manlalaro sa kasaysayan
ng liga na nagwagi ng Rookie of the Year at Most Valuable Player sa isang
season, ginawa nya ito noong 1989.
Si Paras ay naglaro ng hayskul basketbol
bilang miyembero ng San Beda Red Cubs. Dahil sa pinamalas na galing nito nung
hayskul nirecrut sya ng Unibersidad ng Pilipinas na maglaro sa kanilang
koponan, na noon ay tinatawag na UP Parrots at ngayon ay Fighting Maroons.
Sa isang laro pinakita ni Paras ang kanyang
pagiging dominante sa pag-iskor ng 19 puntos, 17 rebounds at 7 blanka laban sa
Far Eastern University.
Noong 1986 dinala ni Paras ang UP sa UAAP
Basketbol Finals laban sa University of the East na pinangungunahan ni Jerry
CodiƱera.
Sa tulong ni Banjie nasungkit ng UP ang una
nilang kampeonato sa larangan ng basketbol mula pa nung bago pa mag-ikalawang
digmaan pandaigdig.
Kinuha siya ng koponan na Shell nung 1989 PBA
Draft, at binansagang The Tower of Power dahil sa kanyang mga post moves, ball
handling, mga dunks, pagblanka ng mga tira, at isang desenteng jump shot.
Binuhay niya ang Shell at dinala ito sa isang
laban sa kampeonato laban sa San Miguel Beermen, ngunit sila'y natalo.
Dahil sa pinamalas na husay nanalo siya ng '
89 Rookie of the Year Award at nasapawan din niya ang ibang beterano ng liga at
siya'y nanalo ng '89 Most Valuable Player Award. Sa ngayon si Paras pa lang ang
nakagawa nito sa PBA.
Dalawa ang naging asawa ni Benjie Paras. Ito
ay sina Jackie Forster mula 1994 hanggang 2003 at si Lyxen Diomampo mula naman
noong 2006.
Apat ang naging anak ni Benjie Paras. Narito’t
kilalanin natin sila.
1. Kobe Paras
Sino ang hindi nakakakilala sa pangalang Kobe
Paras pagdating sa mundo ng basketball? Tunay na dumadaloy sa sugo ng mga Paras
ang husay sa pagbabasketball. Si Kobe ay isinilang noong September 19, 1997.
Si Kobe ay isang manlalaro ng UP Fighting
Maroon. Myembro siya ng Philippine Men’s National Basketball at Philippines Men’s
National 3x3 Team.
Naglaro din siya noon sa University of
California, sa Los Angeles ngunit hindi siya nagpatuloy dahil sa hindi niya
naabot ang academic requirement ng paaralan. Kaya’t noong July 2016 naglaro si
Kobe sa Creighton, at noong May 2017 naman ay
sa Cal State Northridge at noong 20118 ay sa University if the
Philippines sa UP Fighting Maroons. SI Kobe ang tumulong sa UP Fighting Maroons
para makakuha ng tatlongmagkakasunod na panalo.
2. Andre Paras
Si Andre Paras ay ipinanganak naman noong
Nobyembre 1, 1995. Siya ay isang aktor, modelo, at basketbolista sa ating
bansa.
Ipinanganak si Andre sa Los Angeles
California. Sa panahon na nag-aaral siya
ng High School ay naglaro siya para sa La Salle Greehills at sa UP Fighting
Maroons naman nong nag kolehiyo na ito.
Taong 2014 naman ay lumipat si Andre mula sa
UP patungong San Beda College sa kagustuhan nitong maglaro sa San Beda Red
Lions at dahil na rin anya sa di niya kayang balansihin ang kanyang oras sa pag-aaral
at pag-aartista. Bagaman pangarap niyang magtapos sa UP ay kinakailangan din
niyang i prioritise ang kanyang acting career na nooy lumalabas siya sa The Half
Sisters,
Ilan sa mga nagawang pelikula ni Andre ay
Diary ng Panget, Overtime, Your Palce of Mine?, Wang Fam at Girlfriend for
Hire.
Lumabas din siya sa mga palabas pan telebisyon
na Maynila, Let the Love Begin, That’s My Amboy at maging sa Encantadia.
3. Sam Paras and Riley Paras
Sina sam at Riley ay mga anak ni Benjie Paras
kay Lyxen Diomampo. Daddy Totoy, ito ay tawag nina Sam at Riley sa kanilang
amang si Benjie.
Sa ngayon, si Benjie ay lumalabas bilang artista sa telebisyon at
mangilan-ngilang pelikula. Naging Host din sya sa isport show na Finish Line.
Magsubscribe na sa channel na ito para sa mga
videong kahihiligan ninyong panoorin patungkol sa inyong mga iniidolo. Panoorin
din ang iba pa naming mga videos sa aming mga playlist. Salamat sa inyong
panonood.